CHAPTER 6

888 37 4
                                    

"Oh Alghea gising ka pa?"

"Ate Cheng, hindi ako makatulog eh," sagot ko at bumuntong hininga. Hindi ata ako ngayon dalawin ng antok.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking tabi at saka tinignan ang oras, 9:45 na ng gabi, Kaming dalawa na lang ni Ate Cheng ang nasa kwarto ko dahil umalis na si Jack kanina pa. Pati na rin ang anak ni Ate Cheng na si Criza.

"Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?"

Awtimatiko akong napatingin kay Ate Cheng.

"Naku, hindi na po Ate Cheng, baka maya maya lang ay makatulog na rin ako," sagot ko sabay kuha ng kumot at ibinalot sa sarili ko.

"Ay siya, kung gano'n ay aalis na ako, kailangan ko na din magpahinga dahil medyo napagod ako," wika niya at saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. "Matulog ka na hah," banta niya pa na sinamahan pa nang ngiti.

Ngumiti na lang ako at pinanood siyang makaalis ng kwarto ko.

Nagpakawala ako ng buntong hininga nang mawala na si Ate Cheng sa paningin ko, naging palaisipan kasi sa 'kin ang nga naganap kanina kaya hindi ako makatulog ngayon, ni hindi ako nakapaniwala na ang babaeng si Criza ay anak pala ni Ate Cheng, ni hindi ko iyon naisip at napansin, hindi ka sila magkamukha at magka-iba rin sila ng ugali.

For the second time, bumuntong hininga muli ako. Hindi naman ako napagod dahil wala naman akong ginawa kanina.

Pinilit ko na lang ang aking sarili na pumikit hanggang sa 'di ko na namalayan na nakatulog nga ako.

***

"Ready na ba?"

"Oo ready na."

"Hintayin natin siyang magising and then kaboom."

Dahan dahan akong bumangon dahil sa ingay na naririnig ko. Pagkamulat ng aking mata halos magulat  na lang ako dahil sa sunod sunod na pagsabog ng confetti.

Anong meron?

Nang maging malinaw ang paningin ko, nasa harap ko si Jack, may kasama siyang isang lalaki na hindi ko kilala, nandito rin si Ate Cheng at ang anak niyang si Criza.

Inilibot ko ang aking tingin, marami ding nga bata na nandito sa loob, mukhang mga pasyente rin sila dito dahil sa kanilang suot.

Dahan dahan akong tumayo at binigyan ng nagtatakang tingin ang lalaking nasa harap ko.

"Anong meron?" Bungad kong tanong, hindi ko talaga alam ang mga nangyayari, kung may okasyon man, dapat ininform nila ako.

"Hindi mo alam? 'W-wag mong sabihing inatake ka na naman ng sakit mo?" May halong pag-aalalang tanong ni Jack.

Umiling ako, bakas sa mukha ni Jack ang pagkatuwa. Pati rin si Ate Cheng ay natuwa kaya 'di niya na napigilan sarili niya at yumakap sa akin.

Nang kumalas siya sa pagkakayakap, inilibot kong muli ang aking tingin sa paligid, puno ng lobo at mga disenyo ang loob ng kwarto ko at ang naka-agaw ng atensyon ko ay ang cake sa table sa tabi ko, nakasulat do'n; Happy Birthday, Alghea.

Wait, what? Birthday ko?

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko, tinignan ko ang calendar at halos manlumo na lang ako.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon