Habol hininga kong tinakbo ang buong pasilyo, ni hindi ko nga alam na may rooftop pala 'tong hospital na 'to. Hindi ko rin alam ang daan papunta doon, basta lang may makita akong daan pataas ay doon ako tumutungo.
Nakaramdam ako ng tuwa nang may makita akong pintuan, sigurado ito na 'yong pintuan papunta sa rooftop dahil wala na namang pintuang iba akong nakikita kundi itong nasa harap ko.
Nang buksan ko ang pintuan, sinalubong ako ng malamig na bugso ng hangin na galing sa labas. Umikot muna ang tingin ko sa paligid, nang wala akong makita ay agad akong tumungo sa railings, upang tignan ang baba.
"Hoy!"
Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. Muntik na nga akong mahulog dahil sa gulat.
"Anong ginagawa mo diyan?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Magpapakamatay ka ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ah, akala ko kase tumalon ka kaya tinignan ko ang baba" biro ko pa at saka natawa.
"Hindi magandang biro." Nakasimangot na aniya at saka lumapit sa gawi ko.
Umakyat siya sa railings, kaya agad ko siyang pinigilan.
"Ano ba!" Inis na angil ko. "Magpapakamatay ka ba?"
Pero sa halip na pansinin ako ay inilawit niya lang ang kanyang paa habang naka-upo sa railings nitong rooftop.
"Bumaba ka nga, delikado ka diyan!" Agad akong napaatras dahil sa takot, baka kasi mahawakan ko siya kung saan at bumagsak siya sa baba.
"So, ibig sabihin mahal mo ako?" Maya maya'y biglang sabi niya. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin, baka may kausap siyang iba.
"Mahal mo talaga ako Alghea!"
"ANO?"
"Mahal mo kako ako."
"Wala akong sinasabi sa 'yo!"
"Sus, Check mo phone mo!"
Kaagad kong nilabas ang aking cellphone. Napansin kong may message doon, nang mapansin kong si Jack iyon ay agad ko iyong binuksan at binasa.
Jack Collin | 8:51 pm
Kapag pinuntahan mo ako dito, ibig sabihin no'n 'mahal mo ako' ta's kapag hindi 'e di hindi mo ako mahal.
Nabitawan ko ang cellphone dahil sa inis. Nagbato ako ng masamang tingin sa kanya.
"Oh nabasa mo ba?" Tanong nito kahit wala sa akin ang kanyang paningin.
"Ngayon ko lang nabasa, kaya hindi ko alam na may gantong kang palabas."
"Sus, maniwala," panunukso niya pa.
"E di huwag!"
"Huwag talaga!" Natawa pa siya kaya hindi ko na siya pinansin.
"Aalis na ako, wala na pala akong gagawin dito!" Akma akong tatayo ng marinig kong suminghal si Jack.
"Aalis ka na?" Hindi pa rin siya nagbibigay ng tingin sa akin.
Hindi na lang ako sumagot.
"Sige ka, kapag umalis ka....."
"Eh ano?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Tatalon ako dito." Biglang niyang ibinaba ang isang paa niya.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...