CHAPTER 23

493 19 3
                                    

Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Agad akong tumalikod at lumabas ng kwarto ko. Wala na akong pakialam sa kanila. Sapat na sa akin ang nalaman ko para layuan ko sila!

Lumuluha kong binagtas ang daan, wala na akong pakialam kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

"Alghea," narinig ko ang boses ni Ate Cheng. Mukhang nakita niya ako. "Saan ka pupunta?"

Sa halip na sagutin ay hindi ko siya pinansin at patuloy na tumakbo.

Namalayan ko na lang ang aking sarili na nasa labas na ng hospital. Tinungo ko pababa ang napakahabang hagdan para makapunta sa baba.

Agad akong nag-abang ng masasakyan, buti na lang may pera akong dala.

"Ms, Robles!" Hindi ko na nagawang pansinin ang gwardiyang tumawag sa akin. Ang tingin ko ay nakapako pa rin sa daan kung saan naghihintay ng masasakyan.

Nang may mamataan akong taxi ay agad iyong tumigil sa harap ko. Agad kong binuksan ang pinto at mabilis na pumasok sa loob.

Mula sa likod ay kitang kita ko pa rin ang humahabol sa aking gwardiya. Gusto ko ngang maawa dahil baka masisante siya sa trabaho dahil sa akin. Pero wala na akong magagawa, ginusto ko 'tong mangyari kaya naman hahayaan ko na lang ang aking sarili.

Buti walang sumunod sa akin lalo na si Jack. Alam ko namang nag-aalala siya sa akin tuwing wala ako. Sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit sa loob loob ko.

Tumingin na lang ako sa labas. Kahit ganito ay nakakaramdam ako ng tuwa. Sa wakas nakalabas rin ako sa mala-kulungan na iyon.

Tirik na tirik pa ang araw na tumatama sa aking mukha. Maya maya lang din naman ay nandoon na ako sa pupuntahan ko dahil malapit lang naman 'yon dito.

Nang tumigil ang kotseng sinasakyan ko sa harap ng destinasyon ko ay agad kong binigay ang bayad.

"Salamat Ma'am," nakangiti pang sambit no'ng driver kaya napangiti rin ako.

Nang makalabas ako ng kotse ay napasinghap ako ng hangin, amoy na amoy ko ang sariwang hangin pati ang lomi sa favorite kong kainan.

Hinintay ko munang umalis ang kotse bago ako bumaling sa kainan. Nagsimula na akong maglakad, papasok na sana ako sa pintuan ng biglang may kasabay ako papasok. Sandali akong huminto dahil hindi kami kasya sa pintuan.

Ang akala ko tutuloy siya sa paglalakad pero huminto din siya.

"Lady's First," saad niya na medyo may halong tawa.

Napatingin ako sa kanya. Mukhang may lahi siyang ibang bansa dahil sa tono ng kanyang pananalita at isama na ang kanyang mukha.

"No!," pigil ko. "You first." Isinenyas ko pa siya na mauna papasok.

Pero natawa lang siya. "You are the lady, please enter first." Nakangiwi niya sabi na napakamot pa sa kanyang ulo.

"Get in first, I'm Next." Mukhang dudugo ang ilong ko dito kapag tinuloy ko pa ang pakikipag-usap ko sa kanya.

Humalakhak siya. "Pero may respeto ako sa babae." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Marunong pala magtagalog! Pinahirapan pa ako!

Dahil sa inis ko inarapan ko siya at saka tumungo sa loob. Wala na akong paki-alam sa kanya. Kung sinabi niyang marunong pala siya magtagalog 'e 'di hindi ako nahirapan sa kanya.

Umiiling-iling na lang akong pumasok sa loob, sinalubong ako ng waiter at saka ako sinenyas na umupo sa dulong bahagi na malapit sa bintana. Iniabot pa nga niya sa 'kin 'yung menu pero hindi ko na lang 'yon tinanggap dahil alam ko na naman ang order ko.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon