CHAPTER 30

663 22 2
                                    

"D-doc Siven, sabi niyo g-gigising siya?"

Napa-iling iling na lang ito habang tinitignan ang wala pa ring malay na si Alghea.

"H-indi maaari 'to," rinig kong bulong ni Doc Siven.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Ano hong ibig niyong sabihin?"

Hindi niya ako sinagot. Nananatili pa rin ang kanyang paningin kay Alghea.

Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Sir Jack, maaaring napakaraming beses nga siyang hindi natulog, kaya dapat mga araw din ang kanyang tulog."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Napayuko ako, ayaw kong makita niya na may itinatago akong luha.

Tumalikod na ako at mabilis na pinunasan ang luhang nagbabadyang kumawala sa aking mata. Nakita ni Ate Cheng ang ginawa ko pero ayos lang iyon sa akin. Alam kong naiintidihan niya naman ako.

Lumabas na ng kwarto si Doc Siven. Kaming dalawa na lang ni Ate Cheng ang nagbabantay kay Alghea. Ang kambal naman ay nagpapahinga sa kwarto nila.

Umupo ako sa tabing upuan malapit kay Alghea. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nagsasawang titigan siya.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Ate Cheng. Hinawakan niya ako sa likod.

"Mukhang kailangan natin maghintay ng ilang araw," bulong ni Ate Cheng at saka nagpakawala ng buntong hininga.

Nilingon ko naman siya. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Sir Jack, kaya niyo pa bang maghintay, para kay Alghea."

"Oo naman Ate Cheng," mabilis pa sa kidlat na sagot ko at sinabayan iyon ng pagtango.

Napangiti naman siya sa inasta ko. "Then, kakayanin ko rin."

KINABUKASAN, Ikalawang araw ng mahimbing na pagtulog ni Alghea.

Lahat kami ay nasa lamesa, naghahanda para sabay sabay kaming kumain. Himala at kasama namin ang isa pang kaibigan ni Alghea, si Tyra.

Ni wala pala siyang alam sa nangyari kay Alghea, kaya gano'n na kang gukat niya ng bumisita siya kanina. Noong sinabi pa nga namin sa kanya ay nabigla siya at natahimik kaya ilang minuto namin siyang hindi naka-usap. Pero sinabi namin na gigising naman si Alghea kaya napangiti naman ito, mukhang nawala ang trauma niya dulot ng sinabi namin kanina.

"Kailan daw ang gising niya?" Tanong ni Tyra kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.

"Hindi pa namin alam," ako ang sumagot. "Sa tingin ko malapit na malapit na," dagdag ko pa at sinabayan iyon ng ngiti.

"Oo nga, at ramdam na ramdam na namin," singit naman ni Yesha at Zesha.

Napangiti na lang si Ate Cheng, mukhang nabubuhayan na ulit si Ate Cheng dahil sa mga sinasabi namin. Kagabi kasi, wala na siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak, kinakausap ang tulog na si Alghea.

Mabilis kaming nakatapos kumain. Nagpaalam muna si Ate Cheng na kailangan niya daw itapon 'yung lomi ni Alghea dahil nabulok na. Sa susunod na lang daw ulit magluluto sa oras na gumising na siya.

Inalalayan ko si Tyra na makabalik sa kanyang wheelchair, hanggang ngayon hindi pa rin niya kayang lumakad dahil sa nangyari sa kanya.

"Salamat," usal niya ng maiupo ko siya sa kanyang wheelchair.

Ngumiti na lang ako. Tulak tulak ko ang wheelchair niya at inilapit iyon kay Alghea. 'Yung kambal naman ay pumunta rin sa gawi ni Alghea.

Nagpasya naman akong pumunta sa lababo para linisin 'yong pinggan. Inunahan ko na si Ate Cheng dahil alam kong pagod na pagod na siya.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon