Natapos ang paglalaro namin kaya nagpasya na silang umalis isa isa. Hanggang ngayon kasi pala-isipan pa rin sa akin kung tototohanin ba ni Jack ang dare sa kanya ni Yesha, batid ko namang hindi, dahil ang nasabi sa akin ni Ate Cheng ay bawal lumabas ang mga pasyente sa hospital.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa malambot na kama, umikot ang aking tingin sa paligid. Punong puno ng palamuti ang kwartong tinutulugan ko.
"Alghea, you're awake," bungad sa akin ng isang babae.
"Who are you?" Tanong ko ng mapansin hindi siya pamilyar sa akin.
"Alghea, bumalik ang sakit mo?" Emosyonal na aniya pero hindi ko siya pinansin.
Ano ba kasing Alghea ang pinagsasabi niye eh hindi naman ako si Alghea, at tsaka anong sakit 'yung sinasabi niya eh wala naman akong sakit? Baka naman siya 'yung may sakit.
Dahil sa inis ko, lumabas ako sa kwarto, mukhang nasa ospital nga ako dahil puro puti ang pintura at isa ang daming kwarto akong nakikita na puro pang ospital na gamit.
Pinigilan pa ako no'ng babae pero hindi ako nagpatalo, kaya ayon nalampasan ko siya at natakbuhan.
Mukhang malaki ang ospital na 'to dahil kanina pa ako pasikot sikot eh parang pauulit ulit lang ako ng nadadaanan.
Sa 'di kalayuan may natanaw akong lalaki, nakaharang siya sa dadaanan ko kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Excuse me," paki-usap ko pero hindi siya natinag. Hinarang niya ang kanyang sarili na mukhang sinadya niya para hindi ako makadaan.
"Alghea." Rinig kong bulong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Isa ka pa!" Bulyaw ko. "Alghea ka ng Alghea eh hindi ko naman kilala 'yung mga pinagsasasabi niyo." Dagdag ko pa at tinalikuran siya.
"Anong nangyayari dito?" Natauhan ako ng may magsalita. Nabaling ang atensyon ko sa kanya.
"Sino ka naman?" Bungad kong tanong nang mapansin kong ang sama ng tingin niya sa akin.
"I'm the owner of this Hospital," sabi niya kaya natawa ako.
"Wala akong pake," tangi kong nasabi at saka sila tinalikuran.
Wala akong pakialam kung sino man sila, o kung sila pa ang mag-ari ng ospital na ito, ang gusto ko labg ay makalabas dito at hanapin ang mga magulang ko.
Wala na akong nagawa kundi bumalik dun sa kwarto kanina, madali lang naman siyang hanapin dahil kakaiba ang kwarto 'yon.
Pagkapasok ko nabigla pa 'yung babae sa inasta ko. Lumapit ako sa kanya.
"Nasaan ho ang daan palabas dito?" Kahit naiinis ako kanina ay pinilit kong maging marespeto.
"Alghea," rinig kong sambit niya. Niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit. Hindi ko alam kung bakit yumakap din ako sa kanya. "Pasensiya na, kailangan kong gawin 'to," rinig ko pang bulong niya at saka umalis sa pagkakayakap sa akin, naramdaman ko na lang may idinikit siyang bagay sa akin dahilan kung bakit ako nangsisay at nawalan ng malay.
Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pintuan.
Nang maimulat ko ang aking mata, nakita ko si Ate Cheng na pumunta sa pintuan at binuksan iyon. Iniluwal no'n si Jack na patakbong pumunta sa gawi ko.
"Alghea," salubong niya sa akin at saka ako niyakap.
Nabigla ako sa ginawa niya. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay ngumiti siya.
"Sa wakas, matutuloy ang—" natigil sa pagsasalita si Jack ng biglang nagsalita si Ate Cheng.
"Matutuloy ang?" Tanong nito na may halong pagtataka.
![](https://img.wattpad.com/cover/180886636-288-k280178.jpg)
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If sleeping makes my memories fade, I'd stay awake to make them stay." Alghea suffers from a rare condition where she loses all her memories every time she wakes up, and it takes hours for them to come back. What will happen if she have a lover? wi...