I never expected that it would be happen. Imagine, seeing my parents in front of me, smiling at me and holding a huge cake.
Sa tingin niyo sinong hindi sasaya sa ginawa nila, para sa 'kin kahit simple lang 'yung ginawa nila, na-appreciate ko 'yon. Gano'n ako kababaw na tao, kinasisiyahan ko ang mga bagay na pinaghihirapan nila para sa akin.
"Alghea."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, bumungad sa akin sina Yesha at Zesha.
"Happy birthday," nahihiya pa nilang bati at binigay sa akin ang hawak nilang regalo at niyakap ako.
"Thank you," ngumiti ako at yumakap din sa kanila. "And sorry."
Kumalas sila sa pagkakayakap sa akin.
"Sorry?" Sabay pa nilang usal. "Kami dapat ang kailangang humingi ng sorry."
"No, hindi," pigil ko. "Remember, sinaktan ko kayo," ibinaba ko ang tono ng pananalita ko at marahang yumuko.
"Pero, naiintindihan naming 'yon Alghea," unti unti ng humihikbi si Yesha. "Alam naming ginawa mo iyon dahil hindi mo kami kilala, medyo naging tanga lang kami dahil kami 'yung kaibigan mo, pero ni hindi namin naintindihan ang side mo."
"P-ero kasalanan ko rin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaluha.
Agad silang lumapit sa akin, hinawakan ni Yesha ang likod ko para mapatahan ako, si Zesha naman ay pinunasan ang luhang dumadaloy sa mata ko.
"Let's not talk about this," rinig kong usal ni Zesha. "Its your birthday, remember?" Marahang siyang natawa.
"So we need to celebrate your birthday and I think that's better kesa mag-drama tayo dito," pagsang-ayon naman ni Yesha.
Napangiti na lang ako at tumango tango sa kanila.
"Tara do'n," hinila ako ni Zesha sa table na may pagkain. "Let's eat, gutom na kasi ako eh," natatawang ani niya pa kaya natawa kaming pareho ni Yesha.
Sinulyapan ko sina Mom and Dad busy sila sa pakikipag-usap kay Ate Cheng. 'Yung mga kapatid ko naman, ayon naglalaro kasama si Niele at Jack.
"Mayaman pala kayo?" Maya maya'y tanong ni Zesha.
Napatingin ako sa kanya na para bang hinihintay niya ang sagot ko.
"Hindi naman," nahihiya ko pang tugon. "Sakto lang."
"Weh? Kaya pala kilala namin ang magulang mo."
Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ko na lang ipinahalata at humarap na lang sa kanila ng maayos.
"How did you know my parents?"
"Mahilig din kasi kami sa Business kaya kilala namin sila 'di ba Yesha," sabi ni Zesha at isenenyas pa ang kakambal.
"Oo naman."
Our conversation was interrupted when someone knocked the door.
Binuksan iyon ni Dad na kasalukuyan tapos na pala sa pakikipag-usap kay Ate Cheng.
Bumungad sa amin ang isang pamilyar na mukha, kasing edad lang siya ni Dad, oh I remember him, he's Mr, Collin, the Father of Jack if I'm not mistaken.
"Mr, Collin," bungad ni Dad ng makapasok si Mr, Collin. Bumati lang ito pabalik at saka sila nagkamayan.
Sinenyasan ako ni Dad na lumapit sa kanya, kaya nag-paalam muna ako kina Yesha at Zesha na pupuntahan ko lang si Dad.
Nang makarating ako sa tabi ni Dad, sumalubong sa akin ang malawak na ngiti ni Mr, Collin.
"Happy Birthday," bati niya kaya ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Novela Juvenil"If sleeping makes my memories fade, I'd stay awake to make them stay." Alghea suffers from a rare condition where she loses all her memories every time she wakes up, and it takes hours for them to come back. What will happen if she have a lover? wi...
