CHAPTER 3

1.4K 46 6
                                    

I want to dedicate this chapter to VanBojelador, Happy reading

JACK'S P.O.V


"Dad, una na ako." Salubong ko kay dad nang makita ko siyang nagdidilig ng halaman sa labas.

"Sige anak, susunod na lang ako."

Tumango tango na lang ako at ngumiti. Mabilis akong lumabas  at pumunta sa garahe para imaneho ang sasakyan kong kotse papunta sa hospital.

Wala naman akong sakit tulad ni Alghea, dahil naroon lang ako para mag-asikaso, ako kasi pumapalit  kay dad sa tuwing busy siya dahil hindi lang naman 'yung hospital ang inaatupag niya.

Napangiwi muna ako bago pumasok sa kotse at marahang inistart ang makina. Dahil malapit lang ang ospital sa bahay namin, kaagad akong nakarating doon. Agad kong ipinark ang sasakyan kong kotse at saka pumasok sa loob gamit ang elevator sa ground.

"Good morning Sir Jack," bati sa 'kin ni Mang Ketong, isang Janitor.

"Magandang umaga din Manong Kets," bati ko pabalik at saka ngumiti sa kanya, ibinalik ko ang paningin ko sa aking dinadaanan kung saan tinatahak ko ang pasilyo ng lugar.

Nang makarating ako sa office ay agad akong nagtungo sa 4th floor kung saan naroon ang room ni Alghea. Dahil tinatamad ako maglakad, gumamit na lang ako ng elevator papunta roon.

"Pwede ba! Hindi ko kayo kilala, kaya umalis kayo sa harap ko!"

Tinig kaagad ni Alghea ang bumungad sa'kin pagkabukas ng pinto ng Elevator.

Mukhang alam ko na ang nangyayari kaya dali dali akong tumakbo sa kinaroroon niya.

"Anong kaguluhan 'to?" Bungad kong tanong sa kanila nang makarating ako at nakita si Alghea na sinisigawan ang dalawang kambal.

"Kuya Jack," kaagad na lumapit sa akin ang dalawang  kambal. "Kuya, natatakot kami sa kanya, hindi niya daw kami kilala," bakas sa kanilang pananalita ang pagkatakot.

"Isa ka pa!" rinig kong asik ni Alghea.

"May sinasabi ka?" Tanong ko pero pilit kong hindi itinataas ang aking pananalita.

"Narinig mo pala eh." Mataray na aniya at pinakrus ang mga braso.

Hindi ko na siya pinansin at inihatid na lang ang dalawang kambal sa loob ng kwarto nila. Alam kong walang mangyayari samin kung magbabangayan lang kami sa labas. Sakto ko namang nakita si Ate Cheng kaya iniwan ko na lang si Alghea sa labas.

"Kuya Jack, thank you," si Zesha at saka niyakap ako.

"Thank you kuya," si Yesha at sumali sa pagkakayakap sa akin.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at umupo sa silya.

"Pagpasensiyahan niyo na si Alghea," paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon