CHAPTER 1

2.7K 72 17
                                    

"We're here."

Natigil ako sa pagso-soundtrip nang marinig ko ang tinig ni Daddy. Napabalikwas ako sa pagkaka-idlip. Inayos ko muna ang aking sarili at marahang tinanggal ang nakapalsak na earphones sa aking tainga at marahang tumingin sa labas.

Mula sa bintana ng kotse ay kitang kita ko ang napakalaking palapag na aakalain mong isang mansion dahil sa laki. Napahanga pa ako sa lugar dahil sa naggagandahang mga bulaklak na nakapaligid sa lugar.

"Ito na ba 'yon Daddy?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas.

"Yes, anak." Pero sa halip na si Daddy, ay si Mommy ang sumagot.

Nang tumigil na ang sasakyan namin ay hindi ko na napigilan ang aking sariling kaagad buksan ang pinto nang kotse para mas malinawan ako sa kagandahan ng lugar.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang napakahaba at matarik na hagdan na siya atang lalakarin namin papunta sa loob. Hindi ko napigilang  magulat dahil doon.

"You look happy, Alghea," My mommy said  nang marahang nakababa na siya nang sasakyan.

"Yes, Mom, as in masayang masaya talaga," I said as I lifted my gaze again on the mansion.

"Well, alam mo naman kung bakit ka nandito tama?" My smile faded as I heard what my Mommy said.

"Yeah, Mom, I remember," mapaklang sagot ko at tumalikod para kunin ang mga gamit ko sa compartment ng kotse.

Tinulungan ako ni Mom at Dad na dalhin ang mga gamit ko papunta sa loob, mukhang tama nga ang hinala ko, ang siyang mismong mahabang hagdan ang siyang lalakarin namin papunta sa loob.

"Forthy Eight."

Napabuntong hininga ako at hindi mapigilang mapahinto sa paglalakad, nasa forty eight steps pa lang ako ng hagdan pero parang pagod na pagod na ako.

"Alghea? Kaya mo pa ba?" Si Daddy. Pilit naman akong tumango. Kahit pagod na pagod ako ay pilit akong ngumiti

"O-ne H-undred f-orthy o-ne."

"O-ne H-undred fo-rthy t-wo."

"O-ne H-undred f-orthy th-ree."

"Haaaaay." I let out a long sighed as I reach the last step. That long stairs has a total of 143 steps!

Nang mapawi ang pagod ko, agad kong inilibot ang aking tingin sa paligid para hanapin sina Mom and Dad.

Walang masyadong tao at pawang tahimik ang lugar. Napalakad ako sa pasilyo ng lugar para hanapin sina Mom and Dad. Naka-agaw ng pansin sa akin ay ang isang lalaki na naka-upo sa mga bench, he looks like the same age as mine batay sa katawan niya. busy siya pag-cecellphone habang may nakapalsak na earphones sa parehong tainga.

Sa isang iglap lang, nagtama ang paningin naming dalawa, nakakunot ang noo niya at nakataas ang isang kilay.

I rolled my eyes at him, he looks masungit so I averted my gaze around.

Nawala sa isip ko si Mom and Dad kaya agad akong nagmadali sa paglalakad habang bitbit ko itong mga hawak kong bagahe na naglalaman ng mga gamit ko.

"Mom? Dad? Nasaan ba kayo?" Inikot ikot ko pa ang aking paningin. "Ayun!, nandiyan lang pala kayo!"

Nakita ko si Mom and Dad na nakatayo sa gitna ng pasilyo, may kausap na Lalaki na mukhang kaedad lang din ni daddy.

"Oh, Alghea, nariyan ka na pala?" salubong sa akin ni Daddy, "Akala namin kung saan ka na nagpunta," dagdag niya pa at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon