"J-ack," usal ko. "M-ali ka ng i-niisip, wala kaming g-inawang masama, k-umain lang kami, wala namang m-asama do'n 'di ba?"
Pero napangisi lang siya. Alam kong naiinis siya dahil may kasama ako na hindi ko naman kilala.
Napayuko na lang ako. Ramdam ko na may papatak na luha sa mata ko. Gusto kong pigilan pero dahil ang daming nangyari ngayong araw ay mukhang hindi ako magtatagumpay.
Napabuntong hininga na lang ako. Kung galit siya sa akin ok lang, kahit sino namang tao ay magagalit sa sitwasyon ko kanina na may kasamang lalaki na hindi ko naman kilala.
Nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin.
"Don't cry, Alghea, I'll take you home."
Pero nagpumiglas ako. "Ayoko Jack, gusto munang lumayo sa kanila." Bumuhas na nga ang luha ko. Parang naging gripong nasira ang mata ko dahil sa tuloy tuloy na pagdaloy ng luha.
"Alghea, hanap ka nila. Kahit hindi mo sila tunay na magulang ay may responsibilidad sila sa'yo." Pagdidiin niya pa pero hindi ako nagpatalo.
"Kahit pa Jack, sapat na 'yong nalaman ko para layuan ko sila." Saad ko at saka siya tinalikuran. Kung kakampi siya sa mga peke kong magulang mas mabuting talikuran ko siya nang sa gano'n ay hindi siya maging hadlang sa mga gagawin ko.
"A-lghea," ramdam kong pinipigilan niya ang emosyon niya.
"Jack please umalis ka na, kailangan ko munang lumayo sa kanila. Kailangan kong makapag-isip isip at gusto ko muna kalimutan ang mga nangyari."
"Alam kong hindi kita mapipigilan pero maaari bang sumama ako sa'yo?"
"Hindi." Sagot ko at natigilan siya. "Kailangan ko talaga munang mapag-isa."
"Pero mas mabuting sasama ako sa'yo para mabantayan kita, baka kasi may mangyaring masama," may halong pag-aalalang aniya.
Wala na akong magagawa, alam kong gagawin ni Jack ang lahat para sumang-ayon ako sa gusto niya.
"Promise, hindi ako mag-susumbong." Itinaas niya ang kanan niyang kamay na para bang nanunumpa. "Sasamahan kitang makapag-isa."
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa sinabi niya.
"Salamat," tanging nasabi ko at pilit na ngumiti.
Isinenyas niya ako na pumasok sa kotse kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.
"So saan mo gusto pumunta?" Tanong sa akin ni Jack nang makapasok na rin siya sa kotse.
"Sa park sana kung gusto mo sana," medyo napapahiya kong sabi. Hindi ko kasi alam kung bet niya din 'yung mga gano'n.
"Hmm... Sige," nakangiti niyang sabi kaya napangiti na rin ako.
Sinimulan niya ng paandarin ang kotse. Medyo malayo layo ang park na sinasabi ko kaya baka abutin kami ng isang oras para makarating do'n.
"Paano mo nga pala nalaman na doon ako pumunta?" Tanong ko sa kanya at nilingon niya na naman ako saglit.
"Eh sabi kasi ni Ate Cheng, na-ikwento mo raw sa kanya na kapag may problema ka, pumupunta ka doon sa Lomihan," Napapahiya niyang sabi na napakamot pa sa kanyang ulo.
"Ahh..." Tanging nasabi ko at saka tumingin sa labas. Hindi ko alam kung bakit nawala ang galit niya sa akin kanina. Kung kanina lang parang inis na inis siya sa akin pero parang ngayon wala na.
Saglit akong napatitig sa kanya. Busy siya sa pagmamaneho kaya hindi siya makatingin sa akin. Idagdag pa ang traffic kaya maraming sasakyan.
Mahigit isang oras nang makarating kami sa destinasyon namin. Kaagad pinark ni Jack ang kotse sa isang parking lot. Mukhang napagod siya sa biyahe dahil sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Fiksi Remaja"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...