CHAPTER 12

577 20 0
                                    

"Anak."

I automatically look at the screen of my phone. It was an unregistered number. My Dad's number was registered on it. So it's impossible to be him.

Inilapit kong muli ang aking cellphone sa aking tenga.

"Anak."

My eyes widen when I heard the voice again. Yeah, its him, my Dad.

"Dad?"

"Anak, Happy Valentines," He said in dismal voice. I can hear some sobbing from him.

"Ano'ng problema Dad?" I asked.

"Nothing, anak." Kahit hindi ko siya nakikita ay nararadaman ko na nagpipilit lang siya ng ngiti.

"Happy Valentines din Dad," bati ko pabalik. "Makakapunta ba kayo dito Dad?"

"Hindi nga eh." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Dad. "May trabaho pa kasi kami kaya 'di kami makakapunta ng Mommy mo."

"Ok lang po," pilit akong ngumiti. "'Di ba, nakapunta na kayo dito no'ng isang araw? Okay na po iyon."

"Pasensiya na talaga anak ha." natigil ang kanyang paghikbi. "Busy talaga kami eh," dagdag niya pa.

"Sige po, naiintindihan ko naman," nasabi ko na lang. "Oo nga po pala, bakit naiba po ang number niyo?"

"Ah 'yun ba? Hiniram ko kasi ang phone ng katrabaho ko dahil nalowbat ako."

"Ahh, 'e si Mom po?"

"Busy din siya Anak," sabi niya. Naiintindihan ko naman ang ginagawa nila kaya hindi na ako ng umangal pa, at isa pa, para sa amin din naman ang ginagawa nila.

"O sige anak, babye na, marami pa akong kailangan kausapin, hintayin mo na lang ang sorpresa namin."

Gusto ko pa sanang itanong kung anong sorpresa nila kaso, pinatay na ni Dad ang linya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga,   Akala ko naman si Jack na!

Tumalikod na ako at humarap kay Ate Cheng. Nakangiti siya ng nilingon ko siya.

"Tumawag ang Dad mo?" Tanong niya at tumango ako.

Hindi na siya nagtanong kaya bumalik ako sa aking kama at saka binuksan ang wattpad app ko para libangin ang sarili ko sa pagbabasa.

Busy pa rin sa paglilinis si Ate Cheng, para hindi siya natapos sa paglilinis niya ng cabinet na iyon.

"Siya nga pala, Ate Cheng?" Agad siyang bumaling sa akin. "May nabanngit ba sa inyo sina Dad na Sorpresa?"

Napakunot ang kanyang noo. "Wala naman bakit?" Balik niyang tanong sa akin.

"Wala naman," tangi kong nasabi at saka napa-isip. Kung walang alam si Ate Cheng sa sorpresang iyon, baka naman para sa akin talaga 'yon tapos literal na sorpresa talaga.

Natawa na lang ako sa mga iniisip ko. Napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Ate Cheng kaya nakaramdam ako ng hiya.

May gusto pa sana akong itanong sa kanya. Baka may alam siya tungkol kay Jack kaso lang nahihiya akong itanong.

"Batid kong may gusto ka pang itanong sa akin?" Natigilan ako sa sinabi ni Ate Cheng. Paano niyo nalaman.

"Ahm? A-te Cheng?" Nagbigay ng seryosong tingin si Ate Cheng. "Si Jack?"

"Ano'ng problema kay Jack?"

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon