CHAPTER 16

741 25 0
                                        

"Sino ka?"

Pinilit kong maging seryoso. Sabi nila nagiging agresibo daw ako kapag may sakit ako, kaya paninindigan ko ang ginagawa ko.

"Y-ou didn't know m-e?" His shaky voice made me realized that what I did to him was wrong. Pero kailangan ko talaga iyong panindigan.

"Sino ka ba? Hindi kita kilala!" Inirapan ko pa siya bago ako tumalikod at umalis.

"A-lghea!" Pahabol niya pero hindi ko siya pinansin.

Habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa room ko,  I can't stop myself from crying. Alam kong mali iyong ginawa ko! Pero alam kong iyon lang ang paraan!

Nang nasa harapan na ako ng aking room, pinunasan ko ang mga luhang pumatak kanina. Baka kasi nasa loob si Ate Cheng at makita niya akong umiiyak.

Bumuntong hininga muna ako bago ko inihanda ang aking sarili. Nang maramdaman kong okay na ako ay hinawakan ko na ang dorrknob at binuksan iyon.

"Oh saan ka galing?" Bungad niya sa akin habang naka-upo siya sa upuan at nanonood ng TV.

"Sa kabila lang po," nagbigay ako ng pilit na ngiti. Nang hindi na muling nagtanong si Ate Cheng, nagdiretso na ako sa aking kama at nahiga.

Nagtakip ako ng kumot, pinilit kong hindi humikbi, yinakap ko ang unan sa aking tabi at doon umiyak.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa nakita ko kanina, Akala ko ba nakalimutan ko na siya? Akala ko wala na kaming dalawa?

Sandaling natigil ang pag-iisip ko ng biglang lumangitngit ang pintuan.

Dahil sa nipis ng kumot ay nakilala ko agad kung sino iyon.

"Oh Sir Jack naparito ka," nabigla pa si Ate Cheng.

"Mag-uusap lang ho kami, pwede niyo po ba kaming iwan."

"Aba oo naman." Wala ng nagawa si Ate Cheng kundi lumabas.

Nakikita ko ang paglapit niya sa akin. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko dahil sa biglaang paglubog ng foam na hinihigaan ko.

Pinilit kong hindi gumalaw, nagkunwari akong tulog.

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "Alghea, Alam kong gising ka pa."

Hindi ako nagpatinag.

"Alghea, please mag-usap tayo, alam kong gising ka." Niyuyog niya ako dahilan para bumangon ako.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ano ba!" Hinampas ko siya sa braso.

"Sabi na, hindi ka pa tulog." Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya, nakatingin lang ako sa kanan at tulalang nakatitig doon.

"Alghea."

"Hindi nga ako si Alghea!" Napabulalas ako. Okay lang naman sa aking gawin ko iyon, dahil gano'n daw ang ginagawa ko kapag may sakit ako. Nawawalan ako ng respeto.

"Kung ganoon, iwan muna kita, magpahinga ka muna para kapag okay ka na saka tayo mag-usap." Bulong niya pa saka tumayo at saka lumakad palabas.

Napatakip ulit ako ng kumot. Nangingilid na ang luha sa aking mata. Dahil hindi ko na iyon napigilan. Hinayaan ko na lang na lumabas iyon. Napahikbi na rin ako. Wala namang tao na makakarinig sa akin.

"Sorry Jack, Sorry for what I did," wala sa sariling naibulong ko.

Nang marinig kong lumangitngit ulit ang pintuan ay agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang unan.

"Alghea, nagka-usap ba kayo?"

Nang mapunasan ko ang pisngi ko ay saka ako humarap kay Ate Cheng.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon