CHAPTER 27

723 19 2
                                        

"P-please Zesha! Please don't tell anyone especially Jack!"

Naluha na lang ako, hindi ko mapiglilan ang sarili ko.

"Alghea," may tumulo ring luha sa kanyang mata. "K-aya ba naaalala mo kami araw araw d-dahil 'yan ang g-ginagawa mo?"

Hindi ako nakasagot. Alam kong mali ang ginagawa ko ngunit ito lang ang paraan para makilala ko sila. Bakit ba nagagalit sila? Ayaw ba nilang ganito ako? Na nakikilala ko sila?

"P-ero Alghea, ang a-alam n-namin ay g-gumagaling ka na, S-umasaya na k-ami dahil n-ormal ka na, pero ito pala ang ginagawa mo, Alghea?" Bigla siyang nagtaas ng boses kaya napayuko ako. "Alghea please," nagbaba siya ng boses. "Pinapatay mo lang ang sarili mo dahil sa ginagawa mo!"

Hindi ako makapagsalita. Natigilan ako sa mga sinasabi niya. Alam ko rin kung ano'ng pinupunto niya. Siguro nag-aalala siya sa akin kaya gano'n na lang siya magsalita. Naiintindihan ko naman siya.

"Alghea naman eh!" Bigla siyang umiyak na parang bata. Lumapit siya sa akin. "'Wag mo nang uulitin 'yon, natatakot ako, At siguradong hindi magugustuhan ni Jack kapag nalaman niya ang ginagawa mo."

Napatango tango naman ako. Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya.

Bigla na lamang bumukas ang pinto, biglang pumasok si Ate Cheng at si Jack kaya tumalikod ako para punasan ang luha ko.

"Ano'ng ganap?" Tanong ni Jack.

"Ah eh, nahulog kasi 'yung itlog," dahilan naman ni Zesha at itinuro pa 'yung itlog na nahulog kanina.

"Hay nako, sabi sa inyo 'di marunong magluto si Alghea eh," pagbibiro naman ni Ate Cheng at natawa naman si Jack.

Hindi pa rin ako makatingin sa kanila dahil makita nila ang mata ko. Natatakot ako na baka magtanong sila at mahuli nila ako.

"Alghea!" Tawag sa akin ni Jack pero hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako sa stove at binuhay iyon para ituloy ang pagluluto ko. "Tapos na ba 'yang niluto mo? Gutom na ako eh!" Sigaw pa ni Jack.

"Sandali lang malapit na," sigaw ko pabalik na hindi pa rin tumitingin sa kanila.

Buti na lang pumunta sa gawi ko si Zesha para kunin ang niluto ko, inabutan niya pa nga ako ng towel na malaki para gamitin ko na panakip sa mukha ko.

"Oh Alghea, ano'ng nangyayari sa'yo," rinig kong tanong ni Jack nang makita niya siguro ako na nakatakip ng towel.

"Ah, pinawisan ako sa pagluluto eh," pagdadahilan ko at natawa naman siya.

"Grabe ka naman, nagluto ka lang pinagpawisan ka na," biro niya pa pero hindi ko na siya pinansin.

Tumungo ako sa Cr, buti may wash basin doon para makapaghilamos ako. Baka kasi matanggal ang pagpula ng mata ko kapag naghilamos ako.

Nang makatapos ako ay tinignan ko myna ang aking sarili sa salamin. Mukhang nabawasan naman ang pagpula kaya napabuntong hininga muna ako bago ko pinihit ang doorknob at saka tumungo sa kusina kung saan sila kumakain.

"Oh, Alghea, sumabay ka na sa'min," si Ate Cheng at nginitian ko lamang ito.

Katabi ko ang kambal sa upuan. Pinaghayin naman ako ni Zesha.

"Salamat," tangi kong nasabi at sandaling yumuko ng kaunti, baka kasi mapansin ni Jack 'yung mata ko.

"Alghea." awtimatiko akong napatingin kay Jack. Patay huli!

Nangunot ang noo niya ng makita ako. "Ano'ng nangyayari sa mata mo?"   May halong pag-aalalang tanong niya.

Napatingin din naman sa akin si Yesha at Ate Cheng.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon