Dali dali akong lumabas ng kwarto ko, hindi ko na nga iyon naisarado dahil binilisan ko ang pagtakbo ko.
Kailangan kong makuha 'yon! Hindi pa ako nakakainom!
May nakasalubong akong isang nurse kaya agad akong lumapit sa kanya para magtanong.
"Nurse," tawag ko kaya napatingin siya sa akin. "Nakita niyo po bang dumaan si Mr, Collin dito?" Agad kong tanong.
Umawang ang labi niya at mabilis na tumango, isenyas niya pa ang kanyang kamay sa direksyon kung saan ako pupunta.
"Salamat," nakangiti kong sambit at saka ko siya nilampasan.
Pamilyar sa akin ang dinadaanan ko, parang ito 'yung papunta sa rooftop. Nang makarating ako sa dulo ay binuksan ko agad ang pintuan.
Sumalubong na naman ang malakas na hangin kaya naitakip ko ang aking kamay sa aking mata upang maaninaw ko kung nandito ba siya o wala.
"Gaya nang inaasahan, alam kong pupunta ka." Hindi ko siya makita dahil sa hamog sa paligid. Hindi man gano'n kakapal pero hindi ko talaga siya makita kung nasaan siya.
"Alam kong ikaw ang kumuha ng gamot ko kaya please! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" Paki-usap ko, pinigilan kong mainis, baka kasi maawa siya sa akin at ibigay sa akin ang gamot.
"Bakit ko naman ibibigay?" Nakarinig na lang ako ng yabag. Nang makita ko ang kanyang mukha ay para siyang baliw dahil sa lawak nitong ngiti sa labi.
"Please! Gamot ko ho 'yan, ibalik niyo sa 'kin 'yan!" Unting unting lumabas ang luha sa mata ko. Natatakot ako sa maaari niyang gawin doon. Pinilit kong hindi lumapit sa kanya dahil baka sa oras na lumapit ako sa kanya ay may gawin siya sa gamot ko na hindi ko magugustuhan.
Ipinakita niya sa akin ang plastic na hawak niya kanina, inilabas niya doon ang bote na naglalaman ng mga gamot ko.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Nakangisi niyang sabi.
Naikuyom ko na lang aking kamao. Kahit naiinis ako sa kanya ay pinigilan ko talaga iyon.
"Please, Mr Collin, Kailangan ko po 'yan ngayon lalo na't hindi pa ako nakakainom," pagmamakaawa ko. Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi.
"Inaccept mo ang deal ko, pero hindi mo sinunod!" Pasigaw na aniya kaya napayuko na lang ako. Hindi ko rin kasi mapigilan ang sarili ko na lumapit kay Jack, dala siguro iyon ng mga pinagsamahan namin no'ng simula.
"Mr Collin," pinunasan ko ang aking luha sa aking mata at marahang tumingin sa kanya. "Sorry, hindi ko kasi sina—"
"Hindi sinasadya?" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at inunahan niya ako, napahalakhak pa siya pagkatapos no'n. "Matapos niyo maghalikan dito kanina, sa tingin niyo hindi 'yon sinasadya?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalaing pati 'yon ay malalaman niya pa.
Ngayong nahuli na ako at walang maisip na dahilan, napayuko na lang ako.
"Tapos ngayon, magmamakaawa ka para ibigay ko sa iyo ang gamot?" Marahan siyang natawa pero hindi ko iyon pinansin. Naramdaman ko na lang na may namuo na namang luha sa aking mata.
"Pero hindi ho 'yan sa inyo!" Pinilit kong hindi itinaas ang aking pananalita. "Kay Kuya Siven ho iyan galing." Dagdag ko pa at saka lumaoit sa kanya.
"Huwag kang lalapit," isinenyas niya ang kanyang kamay sa akin kaya tumigil ako.
"Please Mr Collin," ginawa kong mahinahon ang aking boses. Namasa na ulit ang aking pisngi dahil sa luhang pinigilan ko kanina. "Hindi ho magugustuhan ni Dad kapag sinabi ko itong nangyari sa kanya."
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If sleeping makes my memories fade, I'd stay awake to make them stay." Alghea suffers from a rare condition where she loses all her memories every time she wakes up, and it takes hours for them to come back. What will happen if she have a lover? wi...
