JACK'S P.O.V
Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, 'e 'di sana hindi ko na siya sinama, wala sanang ganito, nadala lang siguro ako ng aking sarili kaya ko siya inaya palabas.
Nagpakawala ako ng buntong hininga, napagod ako sa mga pinaggagawa ko kanina kaya naligo ako saglit at saka dumeretso sa aking kama.
Kumusta na kaya si Alghea? Kahit kanina ko lang siya nakita, hindi ko mapigilan ang aking sariling mag-alala.
Sa pangalawang pagkakataon, bumuntong hininga ulit ako, lumuluha akong nakahiga sa aking kama at yakap yakap ang unan.
Sa pamamagitan noon, nailalabas ko ang aking hinanakit, sinuntok suntok ko pa nga iyon dahil sa aking mga ginawa.
Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, kaya kailangan kong humingi ng tawad.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko, hindi ko na iyon nilingon dahil si Dad lang naman ang kasama ko sa bahay.
"Jack," mariing tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon, nagpanggap akong walang naririnig at tulog. "Alam kong gising ka, Jack, mag-usap tayo."
Bumangon ako sa pagkakahiga, binigyan ko siya ng inis na tingin.
"I'm tired, Dad," mariing sabi ko. "Please, let me sleep."
Humiga ulit ako, naramdaman ko na lang na umupo si Dad sa kama ko.
"Jack, Alam kong nasa hustong gulang ka na," Sabi niya, hinayaan ko na lang aking sariling makinig sa mga pinag-sasasabi niya. "Pero kung iibig ka...." Humihina ang kanyang boses. "'Wag sa gano'n."
Hindi ko na pigilan ang sarili kong bumangon ulit, sinamaan ko ng tingin si Dad.
"Ano'ng ibig sabihin mo Dad?" Pinigilan kong hindi maiinis. Ramdam kong may hindi siya sasabihing maganda.
"Alam kong alam mo na ang ibig sabihin ko Jack."
Marahan akong tumawa. "Na 'wag akong iibig sa may sakit?" Napangisi ako. "'Yon ba ang ipinupunto mo Dad?"
Marahang tumango si Dad. Napakuyom ang aking kamao dahil sa inis.
"Pero Dad, hindi nakamamatay ang sakit niya!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Nabigla pa nga siya sa ginawa ko. Kasabay din no'n ay ang pagdaloy ng luha sa aking mata.
"Pero anak, mahihirapan ka sa kanya."
Naging emosyonal na rin si Dad, napahawak na lang ako sa bedsheet ng kama ko.
"Handa akong mahirapan dad," pursigido kong sagot. Hihiga na sana ulit ako ng bigla na naman siyang magsalita.
"Mahirapan?" Natatawa niyang sabi. "Alam mo ba no'ng nabubuhay pa ang iyong Ina ay nahirapan din ako," emosyonal na sabi niya pa. "Siya 'yung may sakit, pero ako ang nahihirapan para sa kanya."
"Pero, hindi kayo sumuko dad, kaya ganoo'n rin ang gagawin ko."
"Pero anak," tuluyang may bumagsak na luha sa kanyang mata. "Noong namatay ang iyong ina, muntik na akong magtangka na mag suicide, kaya ayaw kong mangyari din 'yon sa iyo, buti na nga lang... Naisip ko na may anak pa ako na kailangan kong alagaan kaya hindi natuloy ang balak ko, kaya Jack please stop this sh*t!"
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...