I stood frozen at my standpoint, hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa sinabi niya.
Gusto kong sampalin ang sarili ko para malaman ko kung nananaginip ba ako o hindi.
"I really, really, like you Alghea," pag-uulit niya pa. Hindi ko batid kung binibiro niya lang ako, base kase sa tono ng pananalita niya ay seryoso siya. teka? 'di ba may girlfriend siya? 'yong si Criza?
Umiwas ako ng tingin sa kanyang mata at bumaling sa mga kasamahan ko, tuwang tuwa sila sa nakikita nila, gano'n din si Ate Cheng.
"Plano mo ba 'to?" Tanong ko kay Jack nang bumalik muli ang tingin ko sa kanya.
Namuo lang sa kanyang labi ang ngisi, napakunot naman ang noo ko.
Kung gano'n, plano niya nga ito. Kaya pala, hindi nabigla 'yung mga kasamahan ko sa ginawa niya.
Lumapit na naman siya sa akin, akmang ilalapit niya na naman ang kanyang labi ng pigilan ko ito gamit ang kamay ko.
"Sumusobra ka na ha!" Angil ko at sinamaan siya ng tingin.
Sumimangot ang kanyang mukha. "Isa lang naman eh," parang batang aniya kaya nagtawan ang mga kasamahan namin.
Hindi ko na siya pinansin at saka siya nilagpasan, napa-upo ako sa bagong sofa na bago na mukhang binili talaga ni Jack para sa akin.
"Salamat," walang emosyong sabi ko habang hindi nakatingin sa sofa.
"Dapat lang," sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Para siyang baliw na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at maya maya'y inirapan ko siya.
Napahiga na lang ako sa sofa. Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko at mukhang nagpapakilala si Tyra sa dalawang kambal.
"Oh ano masaya ka ba?"
Nabaling ang aking tingin kay Ate Cheng.
Binigyan ko siya ng ngiti. "Oo naman po," sagot ko.
Tumango tango lang siya sa akin. "Sige, iwan ko muna kayo, may gagawin lang ako," sabi ni Ate Cheng kaya ngumiti na lang ako.
Nang makalabas si Ate Cheng, Nilingon ko ang mga kasamahan ko, kanya kanya silang upo sa upuan at ang iba naman ay nakahiga sa kama. Mukhang naboboring sila.
"Why don't we play a game?" Nabaling ang atensyon namin kay Tyra habang may pinapaikot na bote.
Binigyan namin siya ng nagtatakang tingin dahil hindi namin maintindihan ang mga pinagsasasabi niya.
"Game?" Kunot noong tanong ko.
"Do you know the game spin the bottle?" He asked, showing the bottled the she's holding.
"Yes naman," sigaw nilang lahat maliban sa akin. Alam ko rin naman ang larong 'yon kaso tinatamad ako magsalita at tsaka isa pa, parang wala akong interest na makipaglaro sa kanila.
"Sige gusto ko yan."
"Game."
They started to form a circle, at ako? Ayon 'di umaalis sa pwesto, nasa sofa pa rin habang nakatingin na lang sa kanila.
Binigyan nila ako ng nagtatakang tingin.
"Alghea, hindi ka ba sasali?" Tanong ni Zesha kaya umiling ako.
Tumayo sa pagkakaupo si Jack at saka lumapit sa akin.
"Hindi ka sasali?" Walang emosyong tanong niya. Sa pangalawang pagkakataon, umiling ulit ako.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Fiksi Remaja"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...