Kinabukasan, gaya nang inaasahan normal na naman akong gumising.
Bumangon ako sa pagkakahiga at ini- stretch ang katawan ko. Pero pagkabukas ko ng aking mata. Gano'n na lang ang gulat ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Kumurap kurap ang mga mata niya. "Binibisita ka," wika niya at saka lumapit sa akin.
Agad akong tumayo para iiwas ang sarili ko sa kanya.
Bahagyang nangunot ang noo niya sa ginawa ko.
"Oh, bakit parang takot ka sa akin?" Natawa pa siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
Akmang lalapit na naman siya sa akin ng pigilan ko siya gamit ang aking kamay.
Pero hindi siya nagpatinag, lumapit talaga siya sa akin kaya ang naging resulta, naghahabulan kaming dalawa.
"Oh tama na 'yan," sandali kaming natigilan ng biglang pumasok si Ate Cheng. May dala dala siyang tray na pagkain.
"Kain muna tayo."
Dumeretso na ako sa table, pinaghain naman ako ni Ate Cheng.
Biglang umupo si Jack sa tabi kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Sabi ni Ate Cheng, ako lang," pagbibiro ko pero natawa kang siya.
"Parang hindi ganyan 'yung sinabi niya, ang sabi niya tara na kumain." Pagmamayabang niya pa pero inirapan ko na lang siya.
"Pwes, akin naman 'tong pagkain, kaya hindi kita papayagan na sumalo sa amin."
Gumuhit lang ang ngisi sa kanyang labi. "Talaga ba?" Paghahamon niya pa.
"Oo naman," agad kong sagot at siya hinampas sa braso para paalisin.
"Wait lang," natawa na naman siya. "Baka hindi mo alam?"
Napakunot ang noo ko. "Ang alin?"
"Na ako ang nagpaluto ng mga pagkain na ito?"
Natigilan ako, saglit akong sumulyap kay Ate Cheng bakas sa kanyang tawa na nagsasabi si Jack ng totoo.
"E 'di hindi na lang ako kakain," binitawan ko ang kutsara at saka tumayo.
Pero sa isang iglap lang hinila niya ang braso ko dahilan para mapa-upo ulit ako.
"Grabe ka naman, Alghea. Ayaw mo ba nitong paborito mo?" Bigla niyang binuksan ang isang lalagyan na naglalaman ng lomi. Nagdalawang isip pa nga ako kung kakain ako o hindi pero sa bandang huli, kumain na rin ako, syempre paborito ko iyon at isa pa, gutom na rin ako.
"Sabi na, 'eto lang ang solusyon para mapakain kita," pagyayabang niya pa at sumubo ng lomi.
Hindi na lang ako nagsalita, tahimik akong kumain. Kahit pala tanong 'tong si Jack ay hindi ko siya sa sinasagot.
Nang makatapos akong kumain, lumabas ako ng kwarto ko, naiwan silang dalawa sa loob, balak kong bisitahin si Yesha kung ayos na ba siya, pero dahil naka-lock ang pinto, eh hindi na ako tumuloy, baka kase nagbobonding sila.
Tulala akong nilakbay ang pasilyo, hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa akin 'yung nangyari kay Jack at Criza kahapon. Parang ngayon wala na akong nararamdamang galit sa kanila. Senyales ba iyon na wala na talaga kami?
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may humarang sa dadaanan ko. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko na naman ang abot langit niyang ngisi.
"Mukhang, nagkaayos na kayo ng anak ko ah?" Ramdam ko sa boses niya na naiinis siya.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...