Unti unti nang umiikot ang paningin ko dahil sa pagpipigil ko ng tulog. Kahit nahihilo ako ay nagawa ko pa ring pumunta sa table ko para magtimpla ng kape.
Kailangan kong uminom ng kape para hindi ako makatulog. Kasabay ng pag-inom ko ng kape ay binuhay ko ang TV para libangin ang aking sarili.
Wala naman sigurong mangyayaring masama kapag nagpuyat ako ngayon.
Napahikab ako matapos kong maubos ang kape, hindi ko nga alam kung bakit para baliktad, parang mas lalo akong inantok.
Pinatay ko na ang TV, kinuha ko na lang ang aking Cellphone para magbasa dahil sa tingin ko magiging effective 'yon sa 'kin.
Ilang oras lang ang lumipas at umaga na, mukhang nagtagumpay ang plano ko na hindi matulog.
Babangon na sana ako ng biglang may magbubukas ng pinto. Kaagad kong inayos ang aking sarili at nahiga sa kama at nagtaklob ng kumot. Kailangan kong magkunwaring tulog dahil baka malaman ni Ate Cheng ang ginawa ko.
Dahil sa nipis ng kumot ko ay kitang kita ko ang pagpasok ni Ate Cheng, may dala dala siyang Tray na naglalaman siguro ng pagkain.
Bumangon na ako sa pagkakahiga. Sinabayan ko pa iyon ng pag-iinat ng aking kamay para mapaniwala ko siya na kakagising ko lang.
"Good morning Ate Cheng," masigla kong bati at saka siya nginitian.
Kitang kita ko ang bakas na pagkagulat sa kanyang mukha. Pero agad din niya iyong binawi sa pamamagitan ng ngiti.
"Alghea, normal ka." sinalubong niya ako ng yakap. "Sabi ko na sa 'yo eh, hindi mo na kakailanganin 'yung gamot dahil magaling ka na."
Pilit na lang akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Kung alam lang siguro ni Ate Cheng ang ginawa ko, siguro mawawala ang napakaganda niyang ngiti sa labi, pero dahil kailangan ko iyong itago. Hindi ko 'yon sasabihin.
Iniabot sa akin ni Ate Cheng ang pinggan, pero hindi ko muna iyon tinanggap dahil kailangan ko munang magmumog.
Pagkatapos ko ay pumunta na ako sa lamesa. Nilagyan na ni Ate Cheng ng pagkain ang aking pinggan kaya napangiti na lang ako.
Susubo na sana ako ng biglang lumangitngit ang pinto. Sabay kaming napalingon ni Ate Cheng doon.
"Jack, sabay ka na sa'min," bungad ni Ate Cheng sa aming bisita. Pilit na ngumiti si Jack at saka pumunta sa gawi namin at mabilis na umupos sa upuan.
"Salamat ho sa pag-imbita." Walang emosyon na aniya at sumandok ng kanin at ulam.
Hindi ko alam kung bakit ganoon siya. Napatingin nga din sa akin si Ate Cheng dahil sa ikinikilos na kakaiba ni Jack. Ni hindi man lang niya ako binati o tinignan simula noong pumasok siya kanina.
Napakibit-balikat na lang ako kay Ate Cheng. Nagbalik na lang ako ng tingin sa aking pagkain. Sumusulyap sulyap ako kay Jack pero parang wala siyang pakiramdam. Hindi man lang siya tumitingin sa amin at tila ang atensyon niya ay nasa pagkain lang.
Nauna siyang natapos sa amin. Pagkatayo niya ay doon nagtama ang paningin namin. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Posible kayang galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya ama?
Mabilis niya iyong iniwas at pumunta sa sofa at binuksan ang TV.
"Nag-away ba kayo?" Maya maya'y bulong sa akin ni Ate Cheng.
Mabilis akong umiling at saka tumingin kay Jack. "Wala naman ho kaming problema." Nakangiwi kong sagot.
Napabuntong hininga na lang si Ate Cheng. Nang makatapos kaming kumain ay si Ate Cheng na ang nag-ligpit ng pinagkainan.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Novela Juvenil"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...