CHAPTER 10

667 25 3
                                    

Let's hear the POV of Ate Cheng.

Nurse Cheng's P.O.V

"Alghea?" Tawag ko at sinabayan ng katok.

Nakatulog na ata si Alghea dahil kanina pa ako tawag ng tawag sa labas ng kwarto niya.

Hindi ko naman siya hinahanap, dahil 'yung mop lang talaga 'yung kailangan ko.

Hinawakan ko ang doorknob, napansin kong naka-lock iyon kaya hindi ko mabuksan.

Hays, sinabi ko nang bawal mag-lock ng pinto!

Kinuha ko sa aking bulsa ang Master key at saka marahang pinasok iyon sa padlock, pina-ikot ikot ko 'yun hanggang sa mabuksan ko ang pinto.

Pagkapasok ko, nakakalat ang mop sa sahig, parang hindi niya naman nilinis dahil gano'n pa rin 'yon no'ng ibinigay ko kanina.

Kinuha ko na lang ang Mop at saka mabilis na nilinis ang sahig, siguro tinamad na rin si Alghea na maglinis kaya naisipan niya ng matulog.

Sandali akong lumingon sa kanyang higaan, nakaramdam na lang ako ng kaba ng wala akong makitang tao doon.

Lumapit ako sa kanyang kama, nagbabasakaling natatakluban siya ng makapal na kumot pero wala talaga ni anino ang nakita ko.

Nagdiretso ako sa kanyang banyo, tumawag ako ng ilang beses pero wala talaga akong makitang bakas ni Alghea.

Nagpasya akong lumabas at saka hinanap sa bawat pasilyo si Alghea, walang nang tao, pawang tulog na, dumeretso ako sa Room ng kambal, buti na lang gising pa sila.

"Ano hong problema Nurse Cheng?" Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka.

"N-nakita niyo ba si Alghea?"

"Nawawala ho ba?" Tanong nila na may halo ding kaba.

Marahan akong tumango. Napalitan ang kanilang emosyon, para silang nataranta.

"Alam niyo ba ang room noong isa pang kaibigan niyo?"

"Ah ang alam po namin sa 3rd floor siya."

"Pwede niyo ba akong samahan?"

"Sige po," sabi nila kaya wala na kaming pinalipas na segundo.

Sa elevator na kami pumunta para mabilis. Nang malapit na kami sa room niya, nakita ko agad siya sa labas, naka-upo na para bang natutulog.

"Tyra," tawag nung kambal sa kanya.

"Oh?" Dahan dahang gumising 'yung sinasabi nilang Tyra. "Nag-angat ito ng tingin na para bang iniisip niya kung sino kami.

"Yesha at Zesha?" Nagulat pa siya. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Hinahanap namin si Alghea, nakita mo ba?"

"Si Alghea?" Pagkukumpirma niya pa. Sandaling kumurap ang kanyang mata bago tumingin sa amin.

"Oo, Tyra, hinahanap namin siy—"

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon