CHAPTER 25

511 16 0
                                    

"Naku, sinabi ko na nga sa batang 'yun na bawal maglock ng pinto."

Dinig na dinig ko ang tinig ni Ate Cheng sa labas kaya inayos ko ang aking sarili at humiga para magkunwaring tulog.

Narinig kong lumangitngit ang pintuan, senyales na bumukas na iyon. Sinilip ko kung sino pa ang pumasok gamit ang kumot ko.

Kasama niya si Jack sa likod. Nakikita kong nakatingin siya sa gawi ko kaya pinilit kong hindi gumalaw.

"Sir Jack, pwede ba muna kitang iwan dito? Naiwan ko kase 'yung basket ko na naglalaman lulutuin ko eh," rinig kong saad ni Ate Cheng.

"Sige po," sagot naman ni Jack.

Narinig ko na lang ang yabag ni Ate Cheng na mukhang lumabas na ng kwarto.

Nagbaling ako ng tingin kay Jack pero laking gulat ko nang makita ko siya sa tabi ko.

Napalunok ako ng ilang beses. Pinilit kong hindi gumalaw dahil baka makita niya akong gising.

Pero mas lalong nanlaki ang mata ko ng bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Kaya ang ginawa ko, nag-istretch ako ng kamay para masuntok ko siya.

"Aray," rinig kong angil niya.

Bumangon ako sa pagkakahiga at saka nagmulat ng mata. Nagkunwari akong nagulat ng makita ko siya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Inis na bulalas ko.

"Alghea, sorry, pero kilala mo ako?"

Umikot ang tingin ko sa kanya at saka umiwas ng tingin.

"Oo naman, sinong hindi makakalimot sa pangalan mong weird Jack Collin?" Inis kong singhal at saka nagkrus ng mga braso.

"Grabe ka naman," natatawang aniya pero hindi ko siya pinansin.

Napako na lang ang aking atensyon sa paligid, ayaw kong tumingin sa kanya dahil medyo nainis ako sa ginawa niya kanina.

Tumayo ako at umalis sa kama.

"Sa'n ka pupunta?"

"Sa labas lang," tipid kong sagot. Hindi ko pa rin siya tinitignan.

"Sama ako," pahabol niya kaya napaharap ako sa kanya.

"Hindi pwede, walang katulong si Ate Cheng sa pagluluto," saad ko kaya napasimangot siya.

Lumabas na ako ng pintuan, ayaw ko nang patagalin ang usapan namin dahil ayaw kong pilitin niya pa ang kanyang sarili na sumama sa akin.

Sumakay ako ng Elevator. Sa totoo niyan pupunta ako sa room ni Doc Siven para sumagap ng balita ukol do'n sa gamot ko.

Nang nasa harap na ako ng room niya ay agad kong binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin si Kuya Siven na busy sa pag-lalaptop.

"Alghea?" Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat, mukhang hindi niya inaasahan ang pagdating ko.

"Doc Siven, magandang umaga," bati ko at saka umupo sa available seat sa harap niya. "Gusto ko lang pong itanong kung may balita na po sa gamot."

"A-h 'yon ba?" Napakamot pa siya sa kanyang ulo. "Sorry Alghea, wala pa eh."

Para akong nanlumo dito sa kinatatayuan ko. Nagbalik muli ako ng tingin sa kanya matapos kong mapayuko.

"Eh kailan daw po?" Pilit akong nagbigay ng ngiti.

"Hindi ko alam Alghea, Sa sitwasyon mo kasi ngayon, mukhang ok ka na at hindi mo na kailangan pa ng gamot," saad niya kaya nakaramdam ako ng inis.

"Pero kailangan ko pa rin po," pagmamakaawa ko. Naramdaman kong may bumagsak na luha sa aking mata.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon