"A-lghea, bawiin mo 'yang s-inabi mo."
Agad na tumaas ang kilay ko sa kanya, pinipigilan ko ang aking sariling umiyak para hindi ako matinag sa mga pinagsasasabi niya.
"Bakit ko babawiin?" Seryoso kong sabi habang pinanlilisikan ko siya ng mata.
"Alghea! Mahal mo ako! 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" Ramdam ko ang inis sa boses niya. Siguro pinipigilan niya lang iyon.
"Bakit ba hindi ka maka-intindi? Gusto mo bang ulit-ulitin ko pa?" Panghahamon ko pa pero hindi na lang siya nagsalita. Naririnig ko pa rin ang malalakas niyang paghikbi. Tiniis kong pigilan ang nararamdaman ko, baka kasi sa isang maling gawa ko, baka isipin niya na mahal ko siya at may awa pa ako sa kanya.
"Alghea, a-no bang ginawa ko sa 'yo?" Humina ang boses niya. "Wala naman akong kasalanan 'di ba?"
Bahagya akong natawa. "Walang kasalanan?" Binigyan ko siya ng insultong tingin.
"Alam kong mahal mo ako Alghea, at sinisigurado kong si Dad ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan!" Biglang naging seryoso ang pananalita niya.
"Oo," binigyan ko siya ng ngisi. "Oo tama ka Jack, Dad mo lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito."
"Kung gano'n ay mahal mo ako?"
"Diyan ka nagkakamali!"
Kumunot ang noo niya. "Alghea!"
"Oh bakit? Hindi ka ba maniwala?"
"Hinding hindi talaga!" Seryosong wika niya at lumapit sa gawi ko.
Hinayaan ko siyang lunapit sa harap ko, sinisigurado ko lang na hindi niya ako mahahawakan.
"Si Criza." Nakangisi kong sabi at nakita kong natigilan siya. "Oh, pangalan pa lang ang binabanggit ko pero bakit parang natakot ka na?" Tanong ko sa kanya pero itinaggi niya lang ito.
"Sinasabi mo bang si Criza ang dahilan kung bakit ka rin nagkakaganito? Dahil ba sa kanya?"
Hindi ako sumagot.
"Maniwala ka ma o hindi, inireto lang siya sa akin ni Dad, pero... Pero hindi ko siya gusto Alghea dahil ikaw....ikaw ang gusto ko."
Hindi na ako nabigla sa mga pinagsasasabi niya. Alam kong gagawa siya ng dahilan para bumalik ang loob ko sa kanya.
"Ikaw.." Dinuro ko pa siya. "At si Criza.." Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang pumatak. "I saw you... kissing each other kahapon!" Kahit anong pilit kong pigilan, hindi ako nagtagumpay.. Sa pagkakasabi ko ay kasabay din no'n ang pagbuhos ng luha ko.
Nakita ko siyang natigilan. "Alghea...." Humina ang boses niya... "Akala ko ba may sakit ka no'n?" Naguguluhan niyang tanong, nakikita ko ang kaba niyang nararadaman dahil sa panginginig ng kamay niya. "M
-may, n-agsabi ba s-a 'yo?"Agad akong umiling. Nauutal na rin siya dahil sa kaba niyang nararamdaman.
"Pero paano, mangyayari 'yon? May sakit ka kahapon nang kausap kit—"
"Nagpanggap ako na may sakit," agad kong sabi dahilan kung bakit naputol ang sasabihin niya.
"Alghea... Nagkakamali ka ng iniisip, Nag-uusap lang kami no'n!" Pagdiin niya pa.
"Nakita ko lahat," wika ko. "Nakita ko lahat ang nangyari, Jack, kaya wala ka nang kailangan pang sabihin sa 'kin!"
"Alghea." Bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko. Ramdam ko ang luha niyang pumapatak sa sahig.
"Jack, tumayo ka diyan." Sigaw ko Pero umiling-iling lang ito.
"H-indi ako t-atayo, dito h-anggat hindi mo ako p-inapatawad."
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Roman pour Adolescents"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...