Jack's P.O.V
"Magigising kaya siya?"
"Oo naman, kaso nga lang hindi niya tayo maaalala, pero.... Pwede din naman, it depends sa kanya."
"'E 'di hinatayin na lang natin siyang magising."
"Sige ba!"
Napabuntong hininga na lang ako sa mga naririnig ko sa kambal. Pasado alas otso na ng umaga pero hindi pa rin nagigising si Alghea. Mukhang bumawi talaga siya ng tulog dahil ilaw araw siyang hindi natulog.
Napatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng awa ng makita ko ang suwero na nakakabit sa kanya. Pero kahit gano'n ang nakikita ko ayos lang sa'kin lalo na't iyon ang paraan para lumakas siya.
Nasa tabi ni Alghea ang kambal. Nagbabantay, kahit anong kulit ng dalawa eh hindi man kang nagigising si Alghea. Daig niya pa nga ang tulog na mantika, ni hindi man lang siya kumikibo. Para bang payapa siyang natutulog.
For the second time, bumuntong hininga ulit ako. Bumaling ako sa kambak na busy sa pag-uusap.
"Yesha, Zesha," tawag ko at agad naman silang lumingon.
"Sumabay na kayo sa amin kumain, mamaya na kayo magbantay dahil mamaya pa siya gigising," saad ko at napangiti naman sila. Dali dali silang pumunta sa table. Andoon si Ate Cheng, nag-aayos ng mga pagkain.
Tumungo na rin ako at saka tinulungan si Ate Cheng sa pag-aayos ng pagkain.
"Kumain na kayo," sambit ni Ate Cheng. Napatingin naman ako sa kanya.
"Kayo Ate Cheng?" Si Zesha.
"Mamaya na lang ako," sabi pa ni Ate Cheng na pilit pang ngumiti. Ramdam ko ang kalungkutan na nakikita ko sa kanyang mata.
"Ate Cheng, hindi magugustuhan ni Alghea kapag hindi kayo kumain, sige kayo baka magising siya tapos makita niya kayong hindi kumain eh paniguradong magagalit siya."
Wala nang nagawa si Ate Cheng kundi ang umupo sa upuan at makisalo sa amin. Napangiti naman ang kambal at nag-thumbs up pa sa akin dahil sa ginawa ko.
"Alam niyo ba?" Biglang nagsalita si Ate Cheng sa gitna ng pagkain namin. Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Ate Cheng. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari at hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang bagay na iyon," Pilit pinipigilan ni Ate Cheng ang emosyon niya.
"Kami rin po eh," sagot naman ng kambal at saka binaba ang kutsara nila at sandaling tumigil sa pagkain.
Lumingon ako sa gawi ni Alghea. Gano'n pa rin ang pwesto niya.
"Sa tingin ko, k-kasalanan ko ang l-ahat kung bakit nangyari 'to," Nabaling ang atensyon ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Napakawala kong kwentang nurse," bigla na lamang may nangilid na luha sa kanyang mata. Pati ako ay napatigil sa pagkain dahil sa nararamdaman kong emosyon. "Ni hindi ko man lang siya nabantayan, ni hindi ko man lang naalagaan siya ng ayos. Ni hindi ko nga alam na may ginagawa pala siyang hindi ko alam." Tuluyan ng bumagsak ang luha niya.
"Ate Cheng," pigil ko kahit konti na lang ay maiiyak na rin ako. "'Wag niyong sabihin 'yan! Wala kayong kasalanan!"
Pero umiling iling lang siya sa sinabi ko. "Ako ang tagabantay niya Sir Jack, kaya responsibilidad ko kung anong mangyayari sa kanya."
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...