✪ Ch. 6

588 8 1
                                        

Chapter Six:

 

Tanging kalampag ng kaldero at tubig na bumubuhos papuntang sink ang naririnig ko ng mga oras na iyon sa kusina. Syempre ako ang may gawa noon. Alas singko pa lamang ng umaga ay gumising na ako para magluto. Wala, nasanay lang talaga ako na gumising ng ganitong oras. Kapag nasa probinsya kasi, alas sais ay kailangan ng nasa palengke na ako para bumili ng rekados ni Tita para sa karenderya niya't siomai factory kuno.

Kaya nasanay na rin ako na ngayon ay dilat na dilat ang diwa. Hindi ko na rin inaksaya ang oras kaya bumaba na ako’t nagbalak na magluto ng almusal.

Napansin ko ring maraming pwedeng lutuhin sa boarding house kaya masyado akong nag-eenjoy.

Pagsapit ng alas ocho ay nakita ko nang bumaba si Seth. Siya ang una kong nakita ngayong umaga. Kinabahan ako, ni hindi ko nga alam kong babatiin ko siya o ano. Pero siya ang unang bumati sa akin.

“Good morning.” Halatang bagong gising at wala pa ang diwa nito. Kaya’t ako naman na kanina pa gising at may energy ay magsasabing ng kaligayahan sa kanilang umaga.

“Magandang umaga, tamang tama ang paggising mo. Dahil tapos na rin akong magluto at pinaghanda ko kayo ng almusal.”

Huminto si Seth sa pag-inom ng tubig at pinunta ang mata sa lamesa. Nakita nito na may mga nakahaing pang-almusal. Ilang minuto niyang tinitigan saka ibinaling sa akin ang tingin. Weird.

“Mamayang alas diyes pa gigising iyong mga iyon. Kaya iset-aside mo nalang iyan.”

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. Ibinaba niya ang baso sa sink saka nagsimulang maglakad. Ako naman ay bigla siyang pinigilan. Hinila ko ang braso niya.

“Ikaw? Hindi ka ba kakain?”

Tumingin siya sa hawak ko bago sumagot. Nakaramdam naman ako ng awkward moment kaya tinanggal ko ang hawak ko.

“Hindi ako nagbrebreakfast.” Saka ito nagsimulang maglakad at lisanin ang dining area.

Mas lalo akong nalungkot at nasaktan. Anong problema niya? Kahapon lang okay kami ha? Tapos ngayon eh tatanggihan niya ang offer ko. Tapos kasing sungit niya na si DJ? Mood swing lang? Bipolar? Bakit ba ganito ang mga tao dito?

Tsk. Tumingin ako ng pangalawang besis sa ginawa kong breakfast para sa kanila. Mas lalo akong nawalan ng gana. Kinuha ko nalang isa isa hanggang sa may narinig akong boses sa likuran ko.

“Oy, anong ginagawa mo? Para ba iyan sa amin?” Bigla itong lumapit saka kumuha ng isang pancake at nilagay niya ng buo sa bibig niya.

Nagulat naman ako. At ng nakita ko kung sino iyon si Lester pala. Shemay. Si crush.

Oo kras ko na siya. Gwapo niya kasi, maputi at matangkad. Pero crush lang naman di pa naman love. Di tulad ng nararamdaman ko kay DJ.

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon