Chapter Fourteen

729 8 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

 

BIGLANG nagring ang cellphone ni DJ at halos mamura ko na siya dahil ang tahimik sa loob ng van tapos biglang iyon ang maririnig ko tapos metal song pa ang ringtone niya. Well, pauwi na kami that time. Si Dipsy ay nagpa-iwan sa set dahil marami pa daw siyang aatupagin. Medyo bumibusy si Assistant manager kaya si DJ na muna ang inutusan niya para ihatid ako pauwi.  At no choice ang lolo niyo sa utos ni Dipsy.

Sinagot ni DJ ang tawag na gumambala sa payapa kong mundo. Nakita ko pang masama ang tingin niya sa akin.

“Hello..”

At dahil nga dalawa lang kami sa loob ng van rinig na rinig ko ang boses niya at boses din ng tumawag sa kanya.

“Pauwi na kami eh..”

Malambing po ang approach niya. Hmm. Sino naman kaya ang kausap ng lalaking ito? Huwag niyang sabihing nangangaliwa na s’ya dahil wala na ang ate ko. Hindi maari ‘yon. Wala siyang karapatang magmahal ng iba pwera lang sa akin.

“Ah ganon ba, so and’yan na sina Seth? Sige. Malapit lang naman iyon. Sige sige. Pupunta kami. Oo. Sige. Babye.”

Binaba na niya ang tawag saka biglang niliko ang sasakyan.


“Saan tayo pupunta? Sino ‘yong tumawag?” Tanong ko. Bigla akong nacurious dahil sa biglaang pagkabago ng desisyon.

“Daig mo pang umasta na parang girl friend ko kapag nagtatanong ah.” Bara niya. Sungit.

“Nagtatanong lang. Malay ko ba, baka kausap mo na pala eh ang mga hinired mong tauhan para ipapatay ako.” Binara ko din siya. Letsugas na lalaking ito. Nagtatanong lang may gana pang sungitan ako.

“Minsan huwag kang basta basta kakain ng joke, hindi kasi nakakatawa.” Mungkahi niya.

“Hoy‼‼‼” Gusto ko siyang pektusan. Naiinis ako. Ergh. Iyong feeling na ang tino ng tanong mo tapos gagaguhin lang ang sagot. Kainis.Mas nakakastress pa siya sa salitang stress.

Pero I try to calm my self at kinausap ulit siya.

“Anong mahirap sa pagsagot ng maayos sa tanong ko?” Pagsusungit ko. Pinagpatuloy niya parang imaniobra ang manibela at hindi man lang ako tinignan. Kaya kumuha ako ng pwedeng ibato sa kanya nakita ko ang isang nakarolyong tissue na nakakalat sa tabi at binato ito.

“Aray. Ano ba??” Umirap siya sa akin. Umirap din ako.

“Excuse me. Nag-eexist po ako dito. At lumulutang sa oxygen na available ngayon dito sa van ang tanong ko. Kaya sagutin mo na.”

Pero imbis na sagutin ako. Bigla nalang niyang prineno resulting into multiple tumba ko sa loob ng sasakyan. With matching subsob pa.

“Ano bang problema mo? Litsi ka.” Wala na. Putol na ang pisi ng aking pasensya. Nasunog na rin ang mabuti kong kaluluwa.

“Ang ingay mo.” Sagot niya. Natigil na iyong van namin sa EDSA buti na lamang kukunti iyong sasakyan na dumadaan sa napwestuhan niyang paghintuan.

“Ako pa ngayon ang maingay? Eh kung sinagot mo na  sana ng matino ang tanong ko edi ayos na pa sana ang sirkulasyon ng dugo ko ngayon‼”

Tumingin siya sa akin. Iyong poker face na mukha. “Kahit na anong matinong sagot ang ibigay ko sa’yo hindi mo pa rin icoconsider iyon na matino dahil sa mundo mo hindi nag-eexist ang salitang matino.”

GRR. Sumusobra na siya.

“Hoy Daniel John Ford Padilla, wala akong pakialam kong gwapo ka, crush ka ng bansa at higit sa lahat maappeal ka. I just need the answer to my questions. Or else,”

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon