CHAPTER EIGHTEEN
December. Buwan ng pasko. Dahil buwan ngayon ng bigayan, naisipan ng Parking Five na pumunta sa charity na sinusuportahan nila apat na taon na ang nakakaraan. Maghahandog daw sila doon ng programa para sa mga ulilang bata. Syempre hindi ako kasali sa event na ‘yon kaya andito ako ngayon sa boarding house mag-isa at walang ginagawa.
Nakakabagot. Pinilit ako nila Lester at Seth na sumama. Pero ayaw naman ni DJ. Pang P5 daw iyon. Kapag pumunta daw ako doon parang hindi na Parking five ang event, parang KathNiel na.
Hmp. Masyado siyang bitter. Wala na rin naman akong gumawa. Sabagay may point siya pero okay na iyon, mas gusto ko namang mag-isa na lang kaysa makasama ang masungit na bipolar na pandang iyon.
Gumulong gulong ako sa may sofa hanggang sa mahulog ako. Nakakasura ang mga panood ngayon. Wala akong magustuhan. Masyado na rin akong busog para kumain. Nakakatamad na ring magfacebook or maglaro ng clash of clans.
Wala na. Mamatay na yata ako sa bug-
*DINGDONG*
Napatigil ako sa pag-eeggroll ng may narinig akong nagdoorbell.
Dito ba sa boarding house iyon? Or ibang bahay? Bakit may nagdoorbell? Ah! Baka magbibigay ng bill sa kuryente.
*DINGDONG*
“Dantes!” Sigaw ko. Tumayo na ako at pumunta sa may gate para alamin kong sino iyon. Pagkapunta ko sa pintuan halos mahulog na ang aking mata ng makita ko kung sino iyong nakatayo doon.
*DINGDONG* Pindot ulit niya sa doorbell. Anong ginagawa niya dito? Papaano niya nalamang dito ako nakatira ngayon?
“Ah! RY-mali mali. KATHHH!” Sigaw niya sa akin. Mukhang nakita na yata niya ako. I bit my lower lips at dahan dahan akong tumingin sa kanya. Anong ginagawa ng pinsan ko dito? Paulit ulit kong tanong.
She waved her hand at patalon talon pang nagpakita sa akin. Lumingon ako sa paligid hanggang sa wala akong nakitang tao. Nakahinga ako ng mabuti. Paano na lang kung may makakita sa kaniya? Baka pagkamalan pa siyang crazy.
Naglakad ako ng mabilis saka tumunggo sa gate pinagbuksan siya.
“Aba Ry-Kath. Ang ganda pala ng tinutuluyan mo! Grabe! Ang hanep ng mansyon.” Saad ni Ate Bimby.
Si Ate Bimby, pinsan ko. Mas ahead siya ng apat na taon sa amin. Maganda siya ayon sa kaya. Medyo malusog at masayahing tao.
“Anong ginagawa mo dito Ate Bimby?” Tanong ko. Andoon pa rin kami sa may harap ng gate. Napatigil siya sa pagsisight viewing at tumingin sa akin. Sinipat niya ako bigla.
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...
