✪ Ch. 15

622 7 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

HINDI pa rin ako mapalagay sa nangyari sa akin kagabi. Nagising ako na mugto ang aking mata. At pagkagising ko sinubukan ko ang best ko para iwasan si DJ. Hindi naman mahirap iyon dahil ganoon naman na talaga siya sa akin noon na iniiwasan ako kapag nasa bhaus kami.

At sa lahat yata ng P5 si Lester ang nakapansin sa ginagawa ko. Kaya tinatanong niya ako kung bakit ko iniiwasan si DJ.

“Anong problema?” Tanong niya habang nakatambay ako sa balcony at umiinom ng orange juice.

Napakunot-noo ako.

“Problema saan?”

“Problema niyo ni DJ? Hindi na naman kayo nagpapansinan. Nag-away na naman ba kayo?”

Ngumiti ako.

“Mas hindi normal na makita mo kaming magkasundo. Ganon naman talaga kami, hindi nagpapansinan. Lagi ding nag-aaway dahil hindi magkasundo.” Pagpapaliwanag ko, trying to hide my nervousness dahil sa nangyari kagabi.

“Oh see.” Maiksi niyang pahayag.

“Ikaw, kamusta ka? Hindi ba sumakit ang ulo mo?” I asked, changing the topic.

“Hindi ako nag-hahangover. Sanay yata ito sa inuman.” Pagmamayabang naman niya.

“Hahaha. Yabang.” I teased.

“Ikaw? Masakit ba ulo mo?” He asked. I nodded.

“Uminom ka ng kape.” Suhestiyon niya.

“Okay na ako dito.” I proclaimed while holding a glass of juice.

Tumabi siya bigla sa akin. Nailang naman ako, pakiramdam ko parang nagkaroon ako ng phobia dahil sa nangyari kagabi.

“Can I ask something?” Bigla niyang saad. Nagulat naman ako. Halla. Baka nahuli niya ako kagabi. Bigla akong kinabahan. Pero I try to think na baka iba nga ang itatanong niya sa akin.
“Ah.. yeah. Sure.” I answered. May halo pang kabado ang sagot ko.

“May boyfriend ka na ba?” Nahihiya niyang saad. I saw him blushed.

Napatigil din ako for a minute dahil sa tanong niya. Hanggang sa napangiti ako’t inasar siya.

“Ano ba naman iyang tanong mo. Q and A ang peg natin dito. Wala, wala akong boyfriend.”

Sagot ko. Nakita ko naman siyang ngumiti.

“That’s nice.” Bigla niyang saad. Napakunot ako.

“Nice for what? Hindi nice no. Hindi rin okay maging single forevs.” We created a conversation. Okay na rin ito para makalimutan ko ang nangyaring mahalay kahapon. OMG. The word mahalay. Sana mabura na sa utak ko iyong nangyari.

“Hindi ka naman single forevs eh. May magmamahal naman saiyo.” He proclaimed. Napatawa langa ko sa sinabi niya.

“Anong nakakatawa?” Tanong tuloy niya.

“Wala, masyado ka lang depensive.”

“Eh totoo naman eh, walang forever alone. Makakahanap ka rin ng taong sasamahan ka habang buhay. Nakakainis lang talaga iyong mga taong sinasabi nilang forever alone sila. Hindi lang sila makahintay.” Pagpapaliwanag niya. Napangiti ako sa pahayag niya. Hanggang sa inakbayan ko siya.

“Ang lalim ng hugot mo par. Pero okay lang iyan. Gusto mo kantahan kita?” Saad ko, napansin ko kasing may pinagdadaanan siya. I believe kasi na kapag ang mga lalaki naging defensive iyan  sa mga issue ng pag-ibig eh may pinagdadaanan sila.

“Huwag na, baka bumagyo.” Pag-aasar niya.Sinuntok ko naman siya ng mahina sa braso.

“Asar ka.” Tumawa lang siya.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon