CHAPTER NINETEEN
RYNE’S POV
Totoo naman eh! Ewan ko ba kung bakit nagkaroon si Kathryn ng ganitong kamag-anak. Buti na lang hindi niya kayo binibigyan ng pansin.
Bumagsak ang luha ko ng inaalala ko ulit ang mga linyang iyon galing sa lalaking minamahal ng sobra ang ate ko. Narito kami ngayon sa taxi papunta sa terminal ng bus. Kasama sina ate Bimby at kuya Danny. Napagdesisyonan ko ng sumama sa kanila dahil hindi ko na rin kayang pakisamahan si DJ. Sumosobra na siya. Hindi na niya iniisip pa ang nararamdaman ng iba.
“Ry- Kath, hindi mo naman kailangang gawin ito. Kaya naman naming umuwi ng mag-isa.” Saad ni Ate Bimby na ngayon eh malungkot na rin. Trapik dito sa may EDSA kaya baka mahaba habang drama pa ang aabutin naming dalawa dito.
“Ate Bimby, pasensya ka na sa inasal ni DJ kanina. Sobrang stress lang siya at talagang wala pa siyang pahinga.” Paghingi ko ng paumanhin kay Ate. Ayoko siyang idisappoint dahil ganoon ang ugali ni DJ sa kanya.
Bigla niya akong tinatapik.
“Ano ka ba Ka-- Cheryl. Hindi mo kailangang protektahan iyong bakulaw na iyon. Sinaktan ka na nga niya tapos ganyan ka pa. Huh. Kung alam ko lang na ganoon ang ugali niya aba’y pinagsisihan ko sa buong buhay ko na crush ko siya!” Proklama niya.
Sa totoo lang mabait naman si DJ. Wala sa kanya ang problema, pero iniisip ko din na sana maglaan pa rin siya ng respeto sa kamag-anak ng minamahal niya.
“Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo na doon ka muna sa atin? Alam mo maraming posibilidad na pwedeng mangyari. Kamukhang kamukha mo ang ate mo.” Bulong niya sa akin baka kasi marinig ni Manong driver ang usapan naming dalawa.
“Kailangan ko rin siguro ng pahinga. Mag-iingat na lang siguro ako.”
Dinamayan ako ni ate. Niyakap niya ako upang hindi matakot. Ngayon nararamdaman ko ng importante ako sa kanya. Hindi tulad noon. Kaya may karapatan na rin akong kalimutan ang lahat ng ginawa nila ni Maui sa akin noon.
Bago kami pumunta sa isang mataong lugar ng terminal ay sinabihan kami ni Ate Bimby na kailangan niyang pumunta sa mall para bumili ng sumbrero at salamin para sa akin. Buti na lang dala ko ang wallet ko pati ang ATM na binigay sa akin ni Dipsy. Ngunit hindi ang cellphone ko. Naiwan ko ito sa boarding house.
“Dito ka lang. Mabilis lang ako.” Saad niya sa akin. Nasa parking lot kami ng mga oras na iyon. Safe daw dito sabi niya. Malayo sa maraming tao. Kunting ingat na lang at alerto dapat sa pwedeng mangyari.
Binigyan ko siya ng dalawang libo pambili. Kasama na doon ang pagkain. Agad siyang nagmadaling pumunta doon sa loob ng mall.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa madilim ngunit magandang tanawin sa taas. Punong puno mg bituin. Bituing nagniningning. Napatingala lang ako. Kung gaano ba kaganda ang bituin na ito sa taas ay ganoon din ba kaganda kapag nakita ito ng malapitan?
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...