Everyday is a hell to me. Sinusubukan kong i-turn off ang aking feelings sa lahat. Naging cold ako. Napansin iyon ni Seth. Nagtanong siya pero hindi siya nakakuha ng sagot sa akin.
Ilang guestings, ilang taping at conference ang napuntahan ko kasama si DJ. Umakto ako ayon sa script na nakatatak na sa utak ko. Pero tuwing natatapos ‘yon. Tuwing wala ng matang nakatingin sa akin, lumalayo ako. Sinusubukan kong isiping hindi ko siya kilala. Na namalas lang ako ng pili ng leading man para sa role play ng aming klase. Ganon ang iniisip ko.
Naging busy si Mama na ipabalik ang memory ng aking ate. Tumutulong din ako. Hanggang sa isang araw, nasa gazebo kami ni Ate. Nagpapaint s’ya. Habang ako pinapanood lamang ang ginagawa niya habang tumutugtog sa gitara. We share same field. Field of arts and music.
“Sa tingin mo, bakit kaya magkatulad ng musika at ang painting?” Naweirduhan bigla ako sa tanong niya.
Nagkibit balikat lang ako habang tinutugtog ang fallin na kanta. Nakarythm lang ako, walang lirikong binabanggit.
“Kasi parehas silang naiintindihan ng tao. Parehas silang may mensaheng binabanggit. At parehas silang sining ng pag-ibig.” Sagot niya sa tanong niya. Napalingon ako sa ginuguhit niya. Nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa nakasandal sa kanyang lalaki habang tulog. Nakita ko sa babaeng iyon ang pag-ibig. Bigla ko siyang inintriga.
“Anong mensahe ng ginuguhit mo?” Tanong ko.
“Mensahe? Hmm, siguro masasagot iyan ng tinutugtog mo ngayon.” Ngumiti siya. Napatigil ako sa pagtiba. Fallin. Natahimik ako hanggang sa biglang ipinaliwanag ni Ate Kath ang kwento.
“Ang kantang ‘Fallin’ ay ginawa para sa mga taong bigla na lamang nahulog sa isang taong tingin lamang sa kanya ay kaibigan. Hindi alam ng taong ito na habang patagal ng patagal ang pagsasama nila, nahuhulog siya. Pero takot siyang umamin. Takot niyang ipaalam ang nararamdaman niya sa taong ito. Dahil baka pagnasabi niya iwan siya o iwasan. Pero sa dulo ng kwento, umamin rin siya. At kahit hindi siya sigurado sa resulta aminado siyang para sila sa isa’t isa.”
Napangiti ako. Ang ganda ng istorya. Bigla kong naalala si DJ. Yeah, call me stupid pero, naalala ko lang iyong nagsimula lahat ng ito sa isang pagpapanggap. Lagi kaming nagkakasama, hindi namin alam na nahulog na kami sa isa’t isa. Takot akong umamin, takot din siyang ipaalam. Isa sa amin ang nagpahayag pero hindi tulad sa kanta hindi sila naging para sa isa’t isa, dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, nakalaan siya sa iba.
“Ryne, may tanong ako.” Biglang sigway ni ate. Napatingin ako sa kanya.
“Ano iyon ate,”
“Had you ever try to fall in love?” Napatigil ulit ako. Napatingin sa kanya. She’s weird.
“Uhm, yes.” I answered.
“Anong pakiramdam?” She asked. Napaisip ako. Ano nga ba?
“Ah, masaya. Masasabi kong ang pinakaexciting na pangyayari sa buhay ay ang mainlove ka. Kasi may taong magmamahal sa’yo ng walang katapusan. May taong magpapasaya sa’yo, sasamahan ka kapag nag-iisa. Ipaparamdam sa’yo na ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.” Napangiti siya. Kalmado lang siya ng mga panahong iyon. Nais matuto ng isang nararamdaman sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...