Tatlong araw na ang nakakalipas. Hindi ko pa rin alam ang pwede kong gawin. Wala pa akong natataggap na balita tungkol sa ate ko. Andito lamang ako sa boarding house. Tatlong araw na ang nakakalipas, pero hindi ko pa rin alam ang desisyong gagawin ko.
“Kumain ka.” Napahinto ako sa pag-iisip at napalingon sa aking likuran dahil sa boses ni Lester. Nakatingin lamang ito. Halata sa mga mata ang pagkaawa sa akin. At naramdaman ko ring nasasaktan siya sa ginagawa ko.
Tatlong araw na. Hindi pa rin ako normal. Hindi ako kumakain, laging tulala, laging nag-isip. Nararamdaman ko iyon, pero wala akong pakialam. Hindi din kasi ako mag-eenjoy kung kakalimutan ko ang lahat.
“Ayoko. Salamat na lang.” Umiwas ako ng tingin. Walang ngiting bumahid sa aking labi. Napayoko ako.
Naramdaman kong naglakad papalapit sa akin si Lester. Saka tumabi sa pangmaramihang tao na upuan. Naramdaman ko ding nakatingin lang siya sa akin, nagtagal iyon ng ilang minuto bago siya nagsalita.
“Bakit mo kailangang parusahan ang sarili mo Ryne?” Tanong nya. Bakit nga ba? Pero nasasaktan kasi ako kaya ganito ako? Alangan namang ngumiti ako kahit hindi totoo.
“Wala ito Lester, nag-aalala lang ako sa ate ko. Tatlong araw mula noong umalis si DJ wala pa akong natatanggap na tawag sa kanya.” I said. Pero parang hindi ko nakombinsi si Lester na maniwala sa sinabi ko, kaya nakita ko siyang nag-smirk.
“Pretty Little Liar.” He said. Napayoko ako lalo. Ako na ang sinungaling. Pero kailangan ko talagang pagtakpan ang nararamdaman ko. Lalo na sa harapan ng taong gusto ako.
Tumingin ako sa kanya, iyong hinang hina na tingin. Anytime I can shut down my system because of what I feel. Emotional broken, hopeless and down.
“You’re trying to hide your feelings.” He blurted out.
“Yes.” I answered. Bigla ko na lang nasabi iyon without hesitation. Should I need to say what I feel to someone? Kailangan ko ba ng kasangga? Pakiramdam ko kasi anytime babagsak na ako sa lupa, figuratively.
“Are you inlove with DJ?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Bigla akong napatigil, halatang halata sa aking mukha ang pagkagulat. Why sudden that Lester ask that question? Masyado na ba akong showy sa aking feeling?
“Ha?”
“Innocent.” He smiled and stood. Napaangat ako ng tingin sa ginawa niya, gusto kong hanapin sa sulok ng sinabi niya kung halata na bang nakikita ang feelings ko. Pero I can’t. Hindi ko makayang hanapin.
“Tayo ka na diyan, kumain ka. Lalabas tayo. Ayokong mangayayat ka dahil sa nagising na ang ate mo. Dapat nga pagbalik niya dito makita niyang maayos ka. Baka isipin noon pinapabayaan ka namin.” He said. Bigla yata akong nagising sa sinabi niya. That’s right. Bakit kailangan kong ikulong ang sarili ko sa sakit? Oo nga’t gising na ang ate ko, oo nga’t tapos na ang magandang panaginip na ito. Dapat akong maging positibo.
“Tama ka.” I managed to smile. Even ang hirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/22004564-288-k511888.jpg)
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...