Chapter Twenty Two
Dahil cutiepototie ang cover ng my superstar, update ako! Super thanks sa mga nagbabasa at nagvovote. Pero sana may comments and feedback din! Thank yow!
Muli kong binuksan ang aking cellphone pagkarating sa dressing room. Agad akong inayusan ni Lala at palihim naming isinekreto ang interview na ito.
“Ryne, mag-isip isip ka muna bago ka humarap sa maraming tao. Maraming galit ngayon sa iyo, sariwa pa lang ang init at inis na nararamdaman nila kaya baka hindi ka nila pagkakatiwalaan, at hindi nila papakinggan ang gusto mong sabihin.” Payo at pag-aalala ni Lala sa akin. Matipid naman akong ngumiti at pinakitang buo na ang desisyon ko. Wala ng makakapigil sa akin. Dahil kapag nanahimik pa ako, walang maaayos. Mas lalong lalala.
“Okay lang ako Lala. Ako din naman ang gumawa ng problema, kaya ako ang tatapos nito. Ayokong masira ang pangalang binuo ng ate ko dahil sa kapalpakan ko.”
Hindi na siya umimik. Saka tumingin ulit ako sa cellphone ko. 3pm ang shooting live sa thebus. Kaya naman andito na ako 1 hour before the program para makipag-appointment kay Kuya Boy at makapaghanda.
Tumingin ulit ako. Ilang minuto na lang magsisimula na. Napalunok ako at napatingin sa maayos kong mukha sa salamin.
Buo na ang desisyon kong itama ang maling ginawa ko. Alam ko itong ginagawa ko.
“Kathryn, tawag ka na ni Kuya Boy sa backstage.” Tawag sa akin ng isang floor director. Mas lalong rumagasa ng nerbiyos ang buo kong katawan. Nakakaloko na ito.
“Sige.” I answered. Tumayo na ako’t inayos ang sarili. Simpleng getup at make up ang style ko lamang ngayon.
“Good luck Ryne. Kaya mo iyan.” Rinig ko naman kay Lala na naka-fighting sign. Ngumiti ako.
Nagsimula na akong maglakad papuntang backstage. Doon ko naalala si DJ.
Asaan na ba si DJ?Galit nga ba talaga siya sa akin?
Paaano ko ulit aayuin ang maayos na naming samahan?
Bakit humantong sa ganito.
“Miss Kath. Get ready.” Bulong sa akin ng floor manager. Narinig ko na ring nagon na ang music background ng programa. May mga hiyawan na ring naririnig sa mga audience. Nag-flash na rin ng headline sa showbiz ngayon at ako ang una. After that, bumati si Kuya Boy ng magandang hapon sa lahat ng viewers. And then, commercial at tinawag na ako ng floor manager.
“Pumunta ka na sa harapan.”
Kabado akong bumuntong hininga. Sanay na ako sa mga presscon at interview. Pero nababaguhan lang ako sa ganitong panahon dahil first time kong ipagtanggol ang sarili ko’t pangalan ng ate ko. Noon pa lamang nag-aaral ako ng high school hindi na ako sanay na ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong bumubully sa akin kaya nasanay ako na tumahimik na lang.Pero iba na ngayon, sabi ko nga patuloy na iingay at masisira ang magandang pangalan niya kapag hindi ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...