✪ Ch. 24

453 9 4
                                    

please read the author's note.

Tahimik lang namin binabagtas ang daanan at alos walang umiimik sa aming dalawa ng napansin kong iba na ang dinadaanan naming dalawa. Dumungaw pa ako sa may bintana baka nananaginip na naman ako. Pero seryoso, iba iyong direksyon na tinatahak namin.

Kaya hindi ko na mapigilang hindi magtanong sa driver ko ngayong si DJ.

“Hindi ito iyong daanan natin pauwi.” Saad ko. Pero hindi siya nagsasalita. Anong trip nito?

“DJ..” Hindi na ako nakatiis at hinawakan ko ang balikat niya. Napatingin siya sa akin.

“Alam ko.” Iyon lang ang sinabi niya. Anong balak ng lalaking ito?

“Saan tayo pupunta?” Pangungulit ko. Pero kasi, baka bigla na lang niya akong ipapatay dahil matagal na pala niya itong balak tapos dadalhin niya ako sa isang malayong lugar para hindi matagpuan ang bangkay ko. OMG. Ang OA ko na.

“DJ!” Sumigaw ako. Pati siya nagulat sa pagsigaw ko.

“Ano bang problema mo? Bakit ang ingay ingay mo.” Inis niyang mungkahi sa akin. Habang nakafocus ang kanyang mga mata sa daan.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko, saan mo kasi ako dadalhin? Ipapapatay mo ba ako?”

Pero bigla na lang siang prumeno, at instant head bang sa kotse ang nagawa ko.

Aawayin ko pa sana siya ngunit napansin kong lumiwanag ang buong paligid. Napatingin ako sa aking kanan at tumambad sa akin ang isang restaurant. Hindi ganoon kakilala ang restaurant na ito--mali, hindi ko talaga alam ito kasi never pa akong nakakain dito.

“Baba ka na. Gutom na ako.”

Napabuntong hininga ako. Medyo dismayado, akala ko eh ipapapatay na niya ako. Pero okay na iyon.

Bumaba ako sa may kotse at sinundan siya. Simple lamang ang restaurant na ito, gawa sa kawayan ang pondasyon pero makikita mo pa rin ang pagiging modernisado, tapos ang mga pagkain natakam ako. Lutong bahay.

“Good evening sir, good evening ma’am.” Bati ng isang waiter na nasa pintuan ng restaurant. Napangiti naman ako.

“Table for two.” Biglang banggit ni DJ. Aba sosyal, para rin pala itong pangma na restaurant. In long term, pangmayaman.

“Okay sir.” Sinundan namin ang waiter na siyang naglead sa amin sa way. Pagkatapos ay kinuhanan kami ng order. After non, doon ako nagkaroon ng pagkakataon para tanungin itong lalaking kaharap ko.

“Ano bang trip mo? Pauwi na rin tayo bakit hindi na lang tayo bumili ng ulam at doon kainin sa bahay. Gumastos na naman tayo.” Pagrereklamo ko. Nakakainis lang. Masyado niya kasi akong binigla sa date namin.

“Hindi ikaw ang magbabayad kaya h’wag kang magreklamo diyan.” Oo nga naman, pero kasi, sige na nga! Quite na nga. Ugh.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon