Chapter 16
"Hoy Ryne!" Agad akong napalingon ng walang dahas na sinigaw ni DJ ang pangalan ko.
Nasa sala ako ng mga oras na iyon. Habang siya ay nasa main door may kasamang bata.
Napatingin ako sa bata. At napatingin naman sa akin iyong bata. Nagsukatan kami ng tingin. Hanggang sa napatingin din ako kay DJ. Magkamukha sila. Huwag niyang sabihing anak namin siya dahil tatangihan ko. Wala pang nangyayari sa amin.
"Ikaw muna ang magbantay dito kay Gino. Pupunta kasi kamo ni Dipsy sa studio ngayon para makimeeting sa mga kasa- teka bakit ba ako ngpapaliwanag sayo? Bantayan mo siya."
Tumingin ulit ako sa bata. Hindi siya nakangiti. Para din pala siyang si DJ.
"DJ kaano ano mo siya? Anak ba natin siya?" Pilya kong tanong. At halos mailuwa na niya ang kanyang mata sa sinabi ko.
Napabungisngis na lang ako sabay sabihing "Joke lang."
"Hindi ka talaga nakakatuwa." Pagbabara niya sa akin.
"Kuya DJ, do I need to stay here with her?" Tanong noong batang paslit. Aba english speaking! Challenging ito!
"Yes Gino. You're father will be working with us and we need to sent you here just to make sure you're safe. But be careful, that woman.." Tumingin ang dalawa sa akin at akala nila hindi ko naririnig ang usapan.
"Is so dangerous. But I know you can be with her because you are brave and strong kid." Ngumiti si DJ. Doon din ngumiti si Gino.
Manang-mana.
"Ilang oras ka doon?" Tanong ko bago niya ibigay sa akin si Gino. Malay ko ba baka maging ngarag na ako later at di na makilala dahil sa kakulitan ng batang ito.
"Depende. Kailangan naming naroon para alam ko kung anong gagawin. Basta bantayan mo na siya. Mas mabait naman si Gino kaysa sayo no."
Napasimangot ako. Ang damuhong na ito! Aba!
"Be a nice kid Gino."
"Okay."
At nagpaalam na si DJ sa amin. Nakakalungkot. Kaming dalawa lang ng batang ito ang matitira sa bahay. Wala din iyong tatlo.
"Hey you! I'm hungry!" Sigaw sa akin. Tumingin ako sa kanya. At nagsukatan na naman kami ng tingin.
"Go to the kitchen and find the ref. There are foods inside." Badtrip! Ang hirap mag-english! Iba talaga ang mga mayayaman. Bata pa lang ang mga anak nila sinasanay na nilang mag-english. Feeling ko tuloy ilang encyclopedia at webster ang pinapakain sa anak nila at ang yaman yaman ng mga ito sa English.
"No! I want you to get some foods for me!"
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...