✪ Prolouge

2.1K 26 5
                                    

They said, Love is something that is predestined to a person. Lahat ng tao ay may nakalaang isang tao para mahalin siya. Ito ay tinatadhana. Ang bawat nangyayari sayong hindi mo inaasahan ay hindi aksidente. Kundi ito ay tinadhana, kaya huwag kang magalit o magsisi. Kaya kapag wala pa ang taong iyon hayaan mong ang tadhana ang maglapit sa inyo. Pero sino nga ba itong pa-epal na tadhanang ito? Si Lord? Si Cupid? Si Mang kanor?

Mali. Hindi. Wala sa nabanggit. Dahil naniniwala akong wala naman talagang salitang destiny. Walang tadhana. Wala!! Tao lang ang gumagawa ng gumagawa ng kanyang tadhana. Siya ang gumuguhit sa imposibleng pwedeng mangyari sa buhay niya.

Kung wala siyang boyfriend hindi kasalanan iyon ng tadhana, kundi kasalanan niya. Hindi kasi siya marunong lumandi. Kung nagbreak sila ng syota niya, hindi dahil iyon ang nakatadhana, kundi dahil iyon ang pinili nila.

Man created his own destiny. No one else. So I therefore conclude na bawat isa sa atin, kung may mangyari  man ay dahil choice natin. Dahil sa ito ang pinili natin. Hindi dahil ito ang nakadestined.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon