✪ Ch. 8

673 10 1
                                    

 

CHAPTER EIGHT

 

HALOS mabangga na ako ni Lester ng mga oras na iyon. Pababa na kasi ako sa hagdan ng bigla ba naman siyang dumaan. I mean, hindi siya dumaan, tumatakbo siya habang may pancake na subo subo. Ang naghahabol sa kanya? Walang iba kundi si Katsumi.

                                     

Buti na lamang ay nakaiwas agad ako. Napansin niya rin akong umiwas kaya huminto siya.

“Sorry Kath. Buti na lang nakaiwas ka.” Hinihingal niyang sabi habang nasa bibig pa rin ang pancake. Agad naman siyang sinungaban ni Kats. Ngayon naghaharutan na silang dalawa na parang bata. Napangiti ako. Kahit ramdam ko sa buong sistema ko ang puyat at sakit ng katawan ay nakuha ko parin siyang pagmasdan. Ang cute lang tignan.

“Akin na iyang pancake ko Lester. Magnanakaw ka‼” Pinilit ni Katsumi na agawin ang pancake kay Lester. Pero nakain na ni Lester ang pobreng pancake.

“Wala namang nakalagay na Katsumi sa pancake, kaya wala kang karapatang sabihan ako na magnanakaw. You‼” Pagdedepensa niya sa sarili. After noon nagtawanan na lamang siyang dalawa at pumunta sa pwesto ni Seth na nakatutok sa may TV. Abalang nanonood ng cartoons. Habang sa gilid naman ni Seth si Dj busy sa paglalaro sa tablet niya.

Napako ang tingin ko kay DJ saka ako napasimangot. Ang dambuhalang ito, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pagsusungit sa akin. Mabigat pa rin ang loob ko sa kanya. Ni hindi man lang niya masabing sorry sa lahat ng ginawa niyang kasamaan sa akin. Well, hindi ko na rin siya masisisi. Dahil hindi naman lahat ng tao ay mapleplease mo. Bumuntong hinga na lamang ako at nagsimulang pumunta sa kitchen. Doon ko naabutan si Dipsy,nag-aalmusal.

“Tinanghali ka yata.” Bati niya sa akin habang nakafocus sa tablet niya. Nag-inat ako saka tumunggo sa may paglagyan ng mga baso.

Napalunok ako. Hindi ko nasabi kay Dipsy na lumabas ako kahapon. Tanging si DJ lamang ang nakakaalam ng lahat.

Siya lang kasi ang nakita ko kahapon na nasa loob ng bahay. Nakaabang haang nakatingin sa amin ni Albie. Pinakiusapan ko rin nag kumag na iyon na huwag maingay. Pero sinabihan niya lang ako na wala raw siyang pakialam sa akin. At hinding hindi daw siya tutulong kapag napahamak ako sa kung ano man ang aking gawin.

Napasimangot na lamang ako. Every time na naaalala ko iyong nangyaring iyon ay naiinis lamang ako. Kaya’t kumuha na lamang ako ng mainit na tubig sinalin sa tasa at nagtimpla ng kape saka sinagot ang tanong ni Dipsy na kanina pa nag-hang.

“Napasarap sa tulog.” Pagdadahilan niya, lumapit siya kay Dipsy at kumuha ng pandesal saka sinawsaw sa kape.

“Oh, sobrang pagod mo siguro iyan noong nakaraang araw pa. Pero mabuti na rin at nakapagpahinga ka. Balita ko kasi hindi pa rin siya okay. Mas kailangan mo rin ng pasensya sa isang iyon.” Sabay turo gamit ang nguso ni Dipsy sa lalaking ngayon ay nakatunganga, si DJ.

“Pero bakit ba hindi pa siya okay? As in wala pa ring improvement?” Pagsisigway ko. Ito ang paraan namin para pag-usapan si Ate Kath para hindi obvious.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon