Epilogue

745 7 2
                                    

December 31, 2017

Nakadungaw lamang ako dito sa may bintana ng aking kwarto. New year’s eve ngayon. At nagkakasiyahan sa baba dahil inimbita ni Papa ang mga kaibigan niya para magcelebrate. Hindi na bago sa akin ang New year dito. Aaminin ko miss ko na ang Pinas tuwing mga okasyon katulad nito. Mas masaya doon. Mas maingay. Dito kasi hindi pwede magpaputok. Tanging lusis lamang ang pwedeng sindihan pero dapat sa labas ka. Kapag gusto mo talagang makakita ng fireworks kailangan mong pumunta sa mismong City ng London. Pero nagsawa na ako sa ganoon. Kaya hiling ko na lang kay papa na dito na lamang sa bahay icelebrate ang New year. Pumayag naman siya.

Tumingin ako sa mga bituin, maganda ang kalangitan ngayon dahil malinaw na malinaw. Kitang kita ang mga nagniningning na bituin. Kamusta na kaya sila sa Pinas? Dalawang taon na akong hindi nagpaparamdam. Dalawang taon na akong hindi umiimik. Ayoko muna kasing magparamdam. Mahirap na, aaminin ko hindi pa ako ganoon kaayos.

“Andito ka pala.” Nagitla ako ng marinig ang boses na iyon. Lumingon ako sa kanya.

“Excuse me, New Year ngayon hindi Halloween para manakot ka.” I said. He smile. Hindi pa rin kami nagbabago sa pakikitungo sa isa't isa. 

Si Lester Giri, ang lalaking sinamahan ako sa bago kong mundo. Sinubukan makiayon sa ginawa kong paraiso. Ngayon kasama ko siyang nagbabago. Pero bago uminit ang ulo mo dahil iisipin mo kaming may relasyon, sorry wala. Wala kaming relasyon. Kaibigan ko lang talaga siya. Iyon ang sinumpahan naming dalawa. 

“Bumaba ka na raw sabi ni Tito Ted.” Saad niya. Sumimangot naman ako.

“Tinatamad ako, mamaya na lang.” I said at binalik ang dati kong posisyon na inantala niya. Dumungaw ulit ako sa bintana. Pinakiramdam ang isang malamig na simoy ng hangin. Nakakagaan ng loob. 

“Dumudungaw ka na naman. Mamaya magkakasipon ka.” Pagbabanta niya pero hinayaan ko lang siya hanggang sa naramdaman kong lumapit siya sa akin.

“Tinitingala mo na naman iyong superstar mo.” He said. Napangiti ako, tama siya tumitingin na naman ako sa superstar ko. At iyon ang Polaris. Napakalinaw ng north star nila dito. Tanaw na tanaw unlike sa Pinas na medyo maliwanag lang.

“Paki mo ba, gawa ka rin ng trip mo.” I said. Hindi na siya umiimik.

Dalawang taon ko ng nilalabanan ang lungkot. At maswerte naman ako dahil tinutulungan ako ni Papa at ni Lester. Narealize ko noong umalis ako ang isang bagay. Kapag tapos na tapos na. Ibig sabihin kapag pinili ko na ang desisyon para hindi na mahalin si DJ dapat panindigan ko ang desisyon na iyon.

 Iyon ang minsang hindi alam ng tao. Na evey time na nasasaktan sila lagi nilang sinisisi ang tadhana, ang cupid at ang forever. Hindi nila makita na dapat ang sisihin nila ay ang sarili nila. Dahil sila ang mismong gumagawa ng kanilang tadhana. Sila mismo ang nagpapasya.

It’s hard to move on, yes. Pero kapag lagi kang tanong ng tanong kong paaano nakakalimutan mong tanungin kong kaya mo. Sometimes, God doesn’t give you the things you want. Sometimes, He will give you the things you deserve. Kaya naniniwala ako na lahat ng bagay ay nangyayari hindi dahil nakatadhana. Dahil ito ang pinili natin, it’s a matter of choice ika-nga. Tayo ang nagdesisyon ibig sabihin dapat harapin natin iyon. Pero laging tinatanong ng mga tao, bakit ba kailangan natin makilala ang isang taong mawawala din sa atin? Bakit kailangan natin silang mahalin?

Because of the thing that we met them for a reason, either they’re a blessing or a reason. I met DJ as a lesson and a blessing. I am glad that I met him. Nahulog ako ng wala sa oras, naramdaman ko kong papaano kiligin at magmahal. Pero hindi pwede, kahit inamin niya noon na mahal niya ako, hindi pwede. Kaya umalis ako, sabi ni Lester, ginawa ko lang daw ito dahil takot ako pero sabi ko mas okay ng matakot keysa malungkot. 

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon