✪ Ch. 27

474 8 2
                                        

 

Mahigpit ang hawak ko sa tela ng aking higaan. Paggising ko ay may bahid na ng luha ang aking mata. Umaga na pala.

Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa sobrang depress. Kailangan kong aliwin kahit papaano ang sarili, pero hindi ko alam kong papaano. Hanggang sa may narinig akong katok sa aking pintuan.

Dahan dahan at maingat akong bumangon. Ang bigat ng aking katawan. Tinatamad din ako. Pero kailangan kong abutin ang pintuang ni-lock ko kagabi.

Pagbukas ko agad na tumambad sa akin ang mukha ni Seth.

“Anong petsa ngayon?” Maaliwalas niyang tanong. Napasimangot ako. Walang masayang emosyon ang naipakita ko.

“Pumunta ka ba dito at ginambala ang masaya kong pagtulog para tanungin ang tanong na iyan?” Sarkastiko kong tanong.

“Masaya ba ang tulog mo?” Hindi na niya hinintay o hindi man lang nagtanong kong pwede ba siyang pumasok sa kwarto. Agad na lamang niyang pinapasok ang sarili ang tinignan ang aking silid.

“Limang araw na ang nakakaraan. Hindi na kita nakikitang bumababa o lumalabas man lang sa silid mo. Palagi kang nakakulong dito. Kaya naman napag-isip isip kong tanungin kong anong petsa na. Baka kasi pati araw ngayon nakalimutan mo na.”

Tumingin siya sa akin pagkatapos niya akong sermunan. Nakatayo pa rin ako sa tabi ng pintuan at hindi umaalis doon. I rolled my eyes. Hinang hina ako.

“February 26, 2015. Okay na? Pwede mo na ba ulit ibigay ang katahimikang pinagkait mo?” Walang gana kong tanong sa kanya.

“Bukod sa mali ang petsang binigay mo, sumusungit ka na rin ngayon.” Bigla niyang saad.

Mali ang petsang binigay ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kong ano na ang petsa. Ni hindi ko nga rin alam kong ano na ang nangyayari sa labas. Kinulong ko ng humigit kumulang ilang araw ang sarili ko sa apat na sulok ng silid na ito. Hinahatiran ng pagkain, ni walang kinakausap. Kumbaga, isa akong rapunzel na mas gustong makulong sa isang tower keysa lumabas.

Pero masisisi ko ba ang sarili ko? Ilang araw na ang nakakalipas simula noong umalis si DJ. Wala pa akong nababalitaan. Wala pa akong tawag o text na matanggap sa kanya. Hindi ako mapalagay. Gusto kong aliwin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Parang pumipigil ang kalungkotan ko. Na mas lamang ang lungkot keysa sa natitirang saya sa sarili ko. Nilamon ako ng lungkot. Isinilid ko ang sarili ko sa madilim na parte ng aking buhay. Upang hindi ako makakita, upang wala akong maramdaman.

“Bakit ka ba nagkakaganyan?” Hindi ko namamalayang nasa harapan ko na si Seth.

“Masama lang ang pakiramdam ko.” Sagot ko. Ito lagi ang sagot ko tuwing tinatanong ako. Na masama ang pakiramdam ko, may lagnat ako, may sakit ako. At everytime na nagooffer sila ng gamot para sa sakit na ito, tinatanggihan ko. Dahil alam kong wala ng gamot ang tunay na sakit ko.

Ngumiti siya saka tumingin sa aking mga mata. I try to avoid it, pero kinuha niya ang aking baba at pinilit na tumingin ako sa kanya.

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon