✪ Ch. 4

815 9 4
                                    

Chapter Four:


Author's Note:

Gusto ko munang pasalamatan ang mga readers na nilagay ang aking story sa kanilang RL. Salamat. Kahit cliche siya tignan. Hihihi. Sana magustuhan ninyo ito. Maraming salamat din sa mga nag-ppm for dedications. Thanks. Keep in reading. 

~*~*~*

“Isipin mo Ryne na sa oras na ito ay ikaw si Kathryn. Isapuso  mo’t isaisip iyon. Kailangan mong gawin ito.”

Kinakabahan ako. Really. Totoong kaba itong naramdaman ko ngayon. Nasa mahaba akong van ngayon kasama si DJ na siyang nagmamaneho at si Dipsy na siyang kumukondisyon sa sarili ko.

“Nagawa mo nang paniwalaan ang parking 5, ngayon kailangan mo rin gawin iyon sa fans ng ate mo.”

“Pero hindi ba’t parang niloloko natin sila?” Takot kong tanong. Sa totoo lang sobrang takot ako ngayon, hindi kaba itong nararamdaman ko kundi takot. Dahil bukod sa first time akong haharap sa libo-libong tao dahil sa isang mall show na dapat kong puntahan, ay manloloko pa ako ng iba.

“Well, parang ganoon na rin pero hindi naman sa lahat ng oras kailangan natin magsabi ng totoo Ryne, kailangan din nating magsinungaling para walang mapahamak at masaktan.”

Buntong-hininga na lamang ang nasagot ko. Si DJ ang nagmamaneho  ng sasakyan kaya tahimik lamang siyang nagmamaneobra. Samantalang ako ay pasulyap sulyap sa script na binigay sa akin ni Dipsy. Ramdam ko ang takot at kaba dahil sa malamig kong pawis at malamig kong kamay.

Halos hindi na rin ako makalunok. Mall tour ito ni Ate Kathryn, at kapag pumalpak ako pangalan niya ang masasangkot at hindi sa akin.

Lumingon ulit ako sa script. Nakalagay doon ang gagawin, ang kakantahin at ang sasabihin sa lahat ng mga libo-libong fans na pupunta mamaya sa MOA. Nakakakaba kahit na binawasan ni Dipsy ang exposure ko. Kahit ilang minutes lang akong tatayo sa harapan nila.

“At nga pala Ryne, ipapaiksi natin iyang buhok mo. Masyado kasing mahaba ng kunti baka mahalata nila. Alam mo naman na, kapag solid fans ka, even paparrazi ay papansinin lahat sayo.”

Tumanggo lang ako. At doon ko narealize na bigla akong napalingon kay DJ na busy pa ring nagmamaneho. Kanina pa siya tahimik ah, kanina pa rin niya ako hindi kinakausap. Simula ng unang araw ko ngayon pero hindi ko pa siya narinig na nagsalita. Ano namang trip nito? Pabahuan ng laway.


“Ryne‼” At ayon, hindi ko namamalayan na natagalan ako ng titig kay DJ at kanina pa ako tinatawag ni Dipsy.

“May problema ba?”

Tanong nito sa akin. Ngumiti lang ako.

“Wala, nakakasulisim lang kasi ang katahimikan ng isa dito sa van.” At heto na naman ang bibig kong walang preno. Sa sobrang daldal ko ay nasabi ko iyon na parang pinapatamaan ko si DJ at naramdaman niya na siya nga iyong tinutukoy ko dahil bigla akong napatingin sa rearview mirror at napansin kong masama siyang nakatingin sa akin.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon