✪ Ch. 9

658 6 4
                                        

CHAPTER NINE

 

Tahimik. Ala-una ng hapon. Payapa akong nakaupo sa may salas. Nanonood ng paborito kong noon time show. Ng sa hindi ko malamang dahilan biglang may sumigaw. Umalingasaw ang sigaw na iyon sa buong boarding house na maging ang apat na itlog ay tahimik lamang sa oras na iyon ay napapababa dahil sa sigaw.

“RYYYYYYYYNE!!” Pagkatapos na malaman ng P5 ang tungkol sa akin Ryne na tawag sa akin ni Dipsy.

“RYNE!!” Sigaw niya ulit, hingal na hingal na tumatakbo papunta sa akin. Si DJ, napababa din mula sa second floor.

“Ano ba Dipsy? Huwag mong isigaw ng ganyan pangalan ko, baka may makarinig.” Pagkakalma ko sa kanya. Pero siya, halos hindi na makalunok sa pagod at sakit ng lalamunan dahil sa pagsigaw.

“Kasi.. kasi may badnews.” Sambit niya.

“Anong badnews?” Rinig ko si DJ na pababa at papunta sa amin. Hindi naman agad ako nakasalita. Meron pa ring gap sa aming dalawa. Kumbaga hindi pa rin niya ginawang payapa ang mundo ko.

Napatingin si Dipsy kay DJ na nag-aalala din.

“Nabura.. nabura iyong clip sa upcoming movie niyo. May naburang isang clip doon. At kailangan niyong iretake bukas.”

“ANO?” Napalakas ang sigaw ni DJ sa balitang iyon. Ako naman walang kaideideya. Tahimik lang akong pinagmamasdan sila.

“Anong nabura doon?”  muling tanong ni DJ natataranta na.

“Iyong.. iyong nasa Legazpi na kayo. Iyong nakasakay kayo sa truck para hanapin ang tatay mo.”

“ANO?” At ako naman itong over react ngayon. Papaano ba naman, Legazpi pa pala iyon tinake. Tapos nabura lang?

“Kaya, kaya kailangan niyong pumunta ulit bukas sa Legazpi para iretake iyon. Kasi kapag hindi bukas maaapektuhan iyong launching ng movie niyo.” Halos hindi na mapigilan ni Dipsy ang pagworry niya, ramdam ko iyon sa kanya.

In-off ko muna ang TV saka hinarap ang dalawa.

“Wala bang back-up?” Tanong ko, umaasa na hindi na iretake iyon. Dahil hindi naman ako ganoon kagaling na sa mga acting.

“Wala na. Kaya tumawag sa akin si Direk kanina.”

Bumuo ng katahimikan sa buong paligid. Kung minamalas at sinuswerte nga naman ako.

“Sige, pakisabi kay Direk na pupunta kami sa Legazpi bukas.” Biglang saad ni DJ. Agad akong nagulat sa pahayag na iyon. Hindi pwede! Kapag ganoon ang mangyayari, baka mabuko na akong hindi ako sa Kath. Hindi rin ako ganoon ka-pro para sa acting. Natatandaan ko pa noon minura ako ng theater teacher ko dahil hindi ako marunong umakting.

“No, hindi pwede. Hind—”

Humarap sa akin si DJ. Hindi ako nakapagsalita.

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon