✪ Ch. 10

717 8 2
                                    

CHAPTER TEN

 

My whole system is shaking and shivering. Hindi ko alam kong bakit kailangan ko pang maramdaman iyon ngayon. Naka-impake na kami. Nakasakay na rin ako dito sa shuttle van kasama si Dipsy at si DJ. Papunta na kami sa airport kung saan namin imemeet si Direk Cat.

Fist time ko siyang makikita. Actually, super idol ko na siyang direktor dahil sa mga pelikulang ginagawa niya. Super ganda at sulit.

Pero still kahit magiging fangirl ako sa mga oras na iyon andoon pa rin ang kaba. I need to act like my ate. Kapag hindi ko iyon ginawa, lagot na naman ako.

“Andito na tayo.” Biglang saad ni Dipsy. Napaangat ako ng tingin at dumiretos sa may bintana. Nasa NAIA na kami.

Hinanda ko na ang sarili ko nang napansin kong nakatingin sa akin si DJ. Tumingin din ako sa kanya.

“Galingan mo.” Ismid niya. Nagulat ako doon at halos hindi ako nakakilos sa sinabi niya. First time ko kasing makita siyang ganoon.

“Tara na.” Bigla akong nagising ng marinig ang boses ni Dipsy. Kinuha ko na ang aking mini maleta. Sabi ni Dipsy, isang araw lang naman daw kaming magiistay doon. Pero syempre magdala naman daw ako ng extra na mga damit kung sakali. Kaya nagkaroon ako ngayon ng mini maleta ngayon. Medyo mabigat pero keri lang.

Sinimulan ko ng hilain ang maleta at buhatin ito pababa, ngunit nakaramdam ako ng random na kamay na kumuha sa aking dala-dala. Pagtingin ko ay kay DJ pala galing ang random na kamay na iyon.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya at kinuha niya ang maleta ko. Pero agad namang nagloading sa aking isipin na nasa airport kami maraming mga matang nakatingin at kailangan ko na namang umarte.

Arte, ito na naman ang pagkukunwari. Kailangan ko na namang bihisan ang sarili ko ng pekeng damit para maging isang taong inaakala ng lahat. Aakto ng tamang kilos para hindi mabuko. Pagkababa ko, agad kaming sinalubong ng nakakasilaw na ilaw galing sa mga kamera.

“Bakit ang bilis naman nilang malaman na narito tayo.” Bigla kong pagsabi out of the blue moon. Pero nakaramdam na lamang ako ng hawak sa aking bewan. And it was DJ. Holding me so tightly na parang ayaw niya akong pakawalan dahil kapag once na ginawa niya iyon masasaktan ako.

Niyakap ko rin siya. Hindi ko na rin kasi kaya ang sobrang siksik at paghataw ng mga media men and mga fans sa amin. Sigawan at nakakabinging tili. Tiniis namin iyon hanggang sa makapasok kami sa loob ng airport kung saan naroon si Direk Cathy.

“Hi Direk, pasensya na kung medyo nahuli kami. Mahirap lusutan eh.” Sabay turo ni Dipsy sa mga nagkakagulong mga mediamen and fans sa labas.

“It’s okay. Let’s go.” Matipid lang nitong sagot.

Napakaprofessional tignan ni Direk. Director na director talaga. Kung ano man ang sasabihin niya susunduin lahat iyon ng kanyang staff. Like a boss ika-nga. Namangha ako sa kanya while we are in our plane. Nakatingin lang ako sa kanya habang dinidiscuss niya ang dapat gawin ng mga crew pagdating sa set.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon