Last Chapter

573 10 8
                                    

 

8 o’clock ng gabi. Nasa airport na ako, hinatid ako ni ate Kath at ni Mama. 9 pa ang alis ng eroplano pero andito na agad kami, mas maganda kasi kong maaga. Kaysa naman naghahabol.

“Anak, mag-iingat ka doon ha?” My mon told me.

“Pakabait doon.” Segundo naman namin ni Ate.

“Pasalubong pag-uwi!” Sigaw ni Katsumi.

“Ogag to hindi pa nga nakakapunta pinapaalis mo na.” Batok ni Seth.

Napapangiti na lamang ako. Nakakatuwang pagmasdan ang mga taong naging parte ng buhay ko. Tiyak mamimiss ko sila. Papunta na ako ngayon sa London, kung nasaan ngayon si Papa. Katulad ng usapan namin ni Mama, pupunta ako doon kapag may naalala na si Ate.

It’s almost 2 months. Naging maayos ang takbo ng buhay ko matapos kong masabi kay DJ na hindi na kami para sa isa’t isa pero pwede pa kaming maging magkaibigan. After that day, two days after that, si Ate may naalala na. Unti-unti namin iyon pinagtrabahuan ni Mama. At buti na lamang ayos na siya noong magshoshoot na ng movie na pagbibidahan ulit nila ni DJ.

Hindi ko rin sinabi kay DJ na aalis na ako. Ang akala niya doon pa rin ako sa poder ng mama ko titira, wala din siyang alam tungkol sa usapan. Mas mabuti na iyon. Alam kong hindi pa rin namin maalis ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Pero kailangan ko pa ring ingatan ang puso ko, ayoko ulit mahulog dahil alam kong walang pupulot.

“Ryne, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ng ate ko habang nasa waiting area kami. Ngumiti ako.

“Sure.” Tumayo ako’t sinundan siya.

Lumayo kami sa lugar kong nasaan sina mama.

“Ryne, alam kong unfair ito sa’yo dahil sa ginawa namin. Pero salamat, kahit na pinagkait namin ang mundo sayo noon tinanggap mo pa rin kami at tinulungan. Maraming salamat.” Then she hugs me again. Napakagat ako sa labi, ayokong maiyak.

“Ate, alagaan mo si DJ. Mahal na mahal ka niya, pati si Mama. Pangako kapag maayos na ag lahat babalik ako para makasama kayo.” I said. Alam niya rin ang dahilan kong bakit ako pupunta doon, but not the reason na dahil kay DJ.

“Oo Ryne para sa’yo.” Kumalag siya sa yakap. Nakita ko siyang umiiyak. Pinahid ko ang luha sa kanyang mga mata.

Calling all the passengers of A657 plane. Please prepare for the departure.

 

Kumirot ang puso ko noong narinig ko ‘yon. Aalis na ako sa Pinas. Lalayo muna panandalian. Hindi muna magpaparamdam kanino man. Gusto kong hanapin ang sarili ko, gusto kong bumuo ng sarili kong pangalan.

Pumunta na ako sa loob ng airport. Hinatid na rin ako ni Seth at Katsumi, kasama si Dipsy. Hindi na ako nag-atubiling magpaalam sa kanila. Pumasok na ako sa loob. Dala-dala ang iilan kong bagahe. Biglang sumariwa sa akin ang mga panahong kasama ko si DJ.

Dito rin sa airport na ito, papunta kami sa Legazpi. Kung papaano niya ako tinulungan noon dahil hindi ako sanay sa mga ganitong byahe, sa susunod kaya pagbaba ko  may tutulong sa akin. Napangiti ako ng mapait.

Tumunggo na ak sa isang counter para ibigay ang aking passport. Tumunggo sa may eroplano. At hinanap ang upuan ko. Bigla kong naalala, mga panahong magkatabi kaming dalawa. MGa panahong hinawakan niya ang mga kamay ko para huwag matakot.

Pero ngayon, mag-isa ko ng haharapin ang takot na ‘yon. Umupo ako sa may bintana. Pinili ko ito kasi mas gusto kong tignan ang labas.

Pagkaupo ko ay ang pagpapaalam ko sa bansang ito.

Kinuha ko ang MP3 player ko saka isinapak ang earpods sa aking tenga. Soundtrip muna.

“Miss, pwede bang makiupo?” Pero bago ma-on ng music na gusto kong mapakinggan. Bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses.

Tumingin ako at halos malaglag ang panga ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit andito siya?

“A..anong ginagawa mo dito?”

Sumimangot siya tinanggal ko ang earpods saka finocus ang aking mga mata sa kanya.

“Wow ha, ikaw lang may karapatang magibang bansa? Sayo itong eroplano?”

Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin iyong nakilala ko. Isang masayahin at hindi nakakasawang tao na kasama.

“Hindi sa ganon, pero seryoso. Pupunta ka din sa London?”

Umupo siya sa tabi ko komportableng umupo.

“Oo, mag-aaral ako doon.” Then he smiled. That smile! Walang makakapalit nino man.

“Mag-aaral?” Nauutal kong tanong. Nainis siyang tumingin sa akin.

“Alam mo Ryne, hindi ko alam kong naistarstruck ka sa akin pero huwag pa-obvious pwede ba?” He throw a joke. Sinapak ko siya bigla. Para kami tuloy tanga sa loob.

“Bumaba ka sa sasakyang ito, Mr. Lester Giri!” I shout silently to him.

“Ayoko nga, Ms. Katheerine Cheryl Bernardo.” He smiled.

Napasabunot ako. Papaano ako magkakaroon ng bagong simula kong ito ang biglang bubulaga sa akin. Lord! Why!? 

Author's Note: 
Ito na iyong last chapter. Ito na ba talaga? Hahahaha! Hindi ko alam pero maraming salamat sa mga nagbabasa nito. Medyo nahuli lang ako sa araw na dapat matapos nag nobelang ito. Teka may epilogue pa naman doon na lang tayo mag-usap! HAhahaha! Comment please! Thank you! 

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon