✪ Ch. 21

512 6 0
                                    

Annyeong! Pasensya na at ngayon lang ulit nakaupdate. Nakipag jack en poy pa kasi sa mga estudyante ko during my OJT. Pero don’t worry bawi ako this time. Mag-uupdate ako as soon as possible. Thank you sa lahat ng nagvovote at nagbabasa. Pero mas better kong mag-leave kayo ng comment at feedback. (medyo demanding) The request for dedication is now going. Please leave a message to my message box for dedication.

 

Abala ang lahat ng tao sa buong boarding house ngayon. Charity party kasi ulit ng foundation na hinahawakan naman ngayon ni Seth. Kaya todo handa ang lahat. Andito din iyong girl friend niyang si Annika, tapos iyong girlfriend din ni JC na si Gab isama mo pa si Miles Ocampo. OMG si Miles.

Lahat sila nagrerepack ng mga pagkain para itulong mamaya a simbahan. Home for the orphan kasi ang hawak na foundation ni Seth at nais niyang tumulong sa mga nangungulilang mga bata.

Samantalang ako, nautusan na ilagay sa malaking box itong mga samu’t saring teddy bear. Benteng teddy bear para sa isang box. Medyo magaan na gawain pero mahirap din.

“Hi Kath!” Bigla akong napalingon sa tumawag ng pangalan ni Ate. Syempre, dahil ang P5 at Si Dipsy lamang ang nakakakilala sa akin ang aking pagiging artista ay binuksan ko na.

Paglingon ko nakita ko si Miles na nakangiti sa akin. OMG. Ang ganda niya talaga. Dati nag-iistalk lamang ako sa mga pictures niya sa internet. Pero ngayon, heto na kaharap siya.

Ang tangkad niya, maputi at medyo chubby ang mukha pero maganda pa rin. Para siyang diyosa.

“Hi Miles.” Bati ko saka ngumiti.

“Ikaw ha, bakit hindi mo na ako pinapansin. Nakakatampo ka na. Kanina ni hindi mo man lang ako nilapitan.” Pagrereklamo nito. Ops. Sobra lang talaga akong naistarstruck kanina kaya ganoon. At hindi ko na naalalang super friends pala sila ni Ate Kath.

“Sorry, medyo wala kasi akong tulong kagabi. Alam mo na. Oh kamusta ka na pala? Ikaw ha, gumaganda ka lalo.”

Biglang umiba ang expresyon ng kanyang mukha. Nabala ako, halla! May nasabi ba akong hindi dapat masabi?

“May lagnat ka ba Kath?” Sabay haplos sa aking noo. “Wala naman. Nakakatakot ka tuloy.” Napalunok ako. Anong meron?

“Bakit?”  Hindi ko mapigilang hindi magtanong.

“Eh kasi dati never mo akong sinasabihan na maganda. Kapag sinasabi ko ngang maganda ako binabatukan or binabara mo lang ako. Pero ikaw ba iyan? Bakit mo sinabi sa akin iyon. Ilabas mo si KATH!!” Pagkatapos niyang sabihin iyon bigla siyang tumawa. Ugh. Creepy ni Miles.

“Hahahaha. Syempre, maganda ka. Pero mas maganda ako.” Bigla kong bawi sa kanya. Kailangan kong humanap ng paraan para hindi niya mahalatang hindi ang kaibigan niyang Kathryn ang kaharap niya.

“Sus. Ewan ko sayo. Tulungan na nga lang kita diyan sa ginagawa mo kasi mag-gigirls talk pa tayo after.” Masaya niyang pahayag.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon