CHAPTER THIRTEEN
Author’s Note:
Lahat ng ito ay pawang kinuha at hinugot sa left hemisphere ng aking utak at pawang imahinasyon lamang.
*******
HINDI ko alam kong papaano ko ito gagawin. Mayroon na akong script, nakapagprepared na rin ako. Nakapractice na nang sasabihin. Pero mawawala pala lahat iyon kapag nasa field ka na. Mauunahan ka ng mental block at kaba.
Nasa dressing room na ako at naghahanda para sa aming presscon ngayon. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili, uminom muna ako ng energy drink baka sakaling mawala ang nerbiyos.
“Sis, don’t worry. Kaya mo iyan.” Cheer sa akin ni Lala, isa sa mga make-up artist ko.
Nginitian ko siya, kahit papaano nabawasan ang kaba ko sa sinabi niya.
“Sana nga, sana hindi sila makahalata.”
“Hindi iyan, maganda ka at kamukha mo naman ang kapatid mo kaya hindi sila makakahalata.” Sagot nito.
“Thanks Lala, buti na lang andiyan ka para magpalakas ng loob. Kung hindi kanina pa ako nilamon ng kaba.”
Ngumiti lang siya saka pinagpatuloy ayusin ang mga kits niya na pinang-ayos sa akin.
Sa totoo lang, cue na lamang ng mga floor manager ang hinihintay ko. Sa tingin ko kasi within 10 minutes magsisimula na ang presscon.
“Pero girl, talented ka naman eh. Bakit hindi ka pumasok sa showbiz? Since marami naman na ang mga magkakapatid na pumapasok sa showbizness.” Bigla niyang mungkahi.
Sweet si Lala. Sa ilang besis ko na siyang nakakasama sa mga taping, mallshow at ngayon sa presscon siya lagi ang nakakachikahan ko at minsan nasasabihan ng mga secrets. Alam ko ring mapagkakatiwalaan siya.
“Pangarap ko pa talaga noon ang mag-artista. Pero hindi yata ako pangarap ng career na iyon.” Pagbibiro ko.
“Subukan mo lang. Supportive naman si Kathryn eh.”
Ngumiti lang ako. Bumuntong hininga at tinignan siya.
“Okay na ako sa anong meron. Tyaka narealize kong mahirap din palang maging isang public figure. Hindi ka malaya, minsan punong puno ka pa ng kritisismo sa iba.”
Nagmake-face naman itong si Lala.
“Trulalo. Nako, ewan ko ba kung anong napapala ng mga chizmakers at haters na iyan. Nagsasayang lang sila ng oras para sirahan ang mga tao. Well, naawa rin ako sa kanila. Kasi since hater sila, lagi silang magbabato ng mga hate message kahit na alam nilang pagkagising nila kinabukasan wala ‘ding mababago sa mundo. Haters parin sila, artista ka pa rin.”
Ngumiti lang ako’t nakinig sa sinabi niya. Hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napalingon ako. At biglang bumungad sa akin si Daniel.
Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko naman expected na andiyan na siya.
Agad-agad siyang tumunggo sa akin. Tinitigan ako na parang iniiscan kong ako nga ba ito. Medyo kabado din siguro siya dahil nga buong press ang makakaharap ko. Mahirap magkamali. Dahil kapag nangyari iyon magising na lang si ate Kathryn na wala ng kareer.
Sinundan ko ang tingin niya hanggang sa biglang rumehistro ang nangyari kagabi.
Napatigil ang paghinga ko at naisip ang mga nangyari kagabi. Iyong tingin niya na halos nagpatunaw sa buong katawan ko. Ang mga nag-uusap na kilos niya.
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
ComédieRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...