✪ Ch. 20

799 8 0
                                    

CHAPTER TWENTY

RYNE’S POV

“ABA!! Kung nakita niyo lang si DJ! HAlos durugin niya iyong mga kalaban,” sabay lagay ng hand gestures ang mga kwento ni Ate Bimby. “walang nagawa iyong mga bakulaw na iyon! Para silang mga walang kwentang bigla na lang nagpapansin sa amin!”

Lahat kami nakatingin lang sa kanya, nakikinig. Andito na kami ngayon sa room niya dito sa hospital. Ilang oras na rin ang nakakalipas mula noong nanganak siya at ngayon gising na siya, nagkwekwento tungkol sa nangyari kanina. Kumpleto ang parking five. Maging si Dipsy.

“Tadyak dito! Bushing! Tadyak doon! Bushing! Tapos may uppercut pa siyang ginawa! KABOOM!”

Sa totoo lang napapatakip na lang ako ng mukh dahil sa ginagawa niya. Medyo nakakahiya kasi.

“Hindi lang iyon, nagflying kick pa siya! HAYA-ARAY!” Ayan na nga ang sinasabi namin. Tatlong oras lang siyang ntulog dahil s anesthesiang sinaksak sa kanya at panpatulog para makapagpahinga. Ngayong gising na siya para siyang nakalaklak ng energy drink.

“Ate mag-ingat ka nga!!” Nilapitan ko siya’t sinermonan pero napatigil din ang pamimilipit niya’t ako pa ang kanyang binatukan. Ang unfair tuloy ng buhay.

“Anong tumigil!? Hindi! Sobrang proud talaga ako kay DJ!” Papuri nito.

“Ayos pala itong si DJ eh! Superman ang peg!” Asar naman ni Katsumi sa kanya sabay akbay sa tahimik lang na si DJ pero bigla na lang siyang napasigaw ng ‘aray’ dahil siniko siya ni DJ.

“Pero DJ..” Huminahon si Ate at parang may lumabas na lang na ningning sa kanyang mata habang nakatingin kay DJ. “Pasensya ka na ha kung ano iyong nasabi ko kanina. Kahit ganoon niligtas mo parin ako. Ang galing mo talaga!” Sabay lakas ng tawa.

Tumingin ako kay DJ. Hindi ko rin inaasahang darating siya. Akala ko nga eh papabayaan na lang niya kami at ipapaubaya sa mga bayawak na iyon. Pero hindi niya ako binigo. He saved us not only once but twice.

“Wala iyon. Sorry din sa inasal ko. Alam kong mali iyon. Sana matawad mo ako.” Paghingi ni DJ ng depensa. Tinignan ko lang siya at nakita ko ang ibang anyo. Malayo sa problemado at msungit na DJ. Natutuwa ako. Hindi ko na kasi makita iyong datig DJ na halos ibaon ako sa lupa para lang mawala sa landas niya.

“Nako DJ!! HALIKA NGA DITO!!”

Nabilog naman ang mga tigin namin ng bigla na lang sinungaban  ng yakap si DJ na halos hindi na ito makahinga. Isabay mo pa ang pagtapik ng napakalas sa likod nito. Napatawa ng malakas si Katsumi. Halos hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil nakakahiya. At iyong iba masaya lang kaming pinapanood. Napapa-aray na si DJ pero masaya lang nila itong tinitignan.

“Ah, excuse me. Gusto ko lang tawagin si Ms. Bernardo at Mr. Padilla sa main desk para filllupan iyong form.” Bigla naman kaming napalingon ni DJ ng sabay sa nurse na hindi namin namamalayang nakapasok na pala at kanina pa kami tinatawag.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon