✪ Ch. 7

504 9 1
                                        

Chapter Seven

 

Nakatunganga lang ako ng mga oras na iyon sa boarding house. Walang katao-tao. Boring. Kakalabas lang kasi nila DJ kasama si Dipsy. May gig daw sila sa isang bar sa Makati. Ako? Hindi ako pinayagan ni Dipsy na pumunta. Baka daw kasi biglang magkagulo doon. At kahit ayaw ko iyong desisyon niya, wala na rin akong magawa. Kaya heto, nababagot ako na ewan.

Kanina pa rin ako pabalik balik. From rooftop to 1st floor. Hinihintay kong mapagod ako para makatulog agad. Pero hindi yata kami magkasundo ng nais ko.

Bumalik na lang ako sa kwarto hanggang sa napansin ko ang shades na nakalagay sa may study table.

At sa hindi mahanap hanap na dahilan at hindi maipapaliwanag ng science biglang umilaw ang light bulb malapit sa tuktok ng aking ulo.


TADA. May nais ako.

Wala naman masamang sumubok. Mag-iingat naman ako eh. Sisiguraduhin ko iyon kaysa mamatay ako sa bagot dito sa loob ng bahay. Kaya naman kinuha ko ang mahiwagang shades, pumunta ako sa may closet kumuha ng damit na pwedeng suutin. Pati iyong jacket na binigay sa akin noon ni Dipsy. Sumbrero, pants. Lahat ng bagay na hindi makakabuko sa akin sinuot ko.

At nang makita kong ayos na ang aking porma at hindi na ako magiging KATHRYN BERNARDO pagkalabas ng boarding house na ito eh agad akong kumaripas papalabas na parang isang presong bagong laya lang.

Hay, ang sarap talaga ng buhay malaya. Hindi rin pala ganoon ka-enjoy ang pagiging isang sikat. Bukod sa limitado ang paglabas mo, sobrang dami naman ng matang nakatingin sa iyo.

Kaya maingat. As in super ingat akong sumakay ng taxi, pumunta sa mall at nagsimulang lumibot.

Maingat akong luminong lingon habang kita ko namang wala silang pakialam sa akin. Pumunta agad ako sa bookstore para tignan ang mga latest na librong nailimbag sa buwang ito.

Book lover ako. Mahilig kasi akong maki-tsismis ng kwento ng iba kaya siguro naging library na ang aking kwarto. Dahil bukod sa pangungulekta ng CDS at posters ni DJ ay nangongolekta din ako ng libro.

Pagpasok ko doon, sakto naka 30% sale sila. Tingin tingin tingin hanggang sa..

“Ouch.” Nakarinig ako ng mahinang pag-aray ng isang lalaki. Lumingon ako nang makita kong isang lalaking nakasumbrero at hindi ganoon kita nag mukha at matangkad ang nasa side ko.

“Sorry.” Agad akong humingi ng paumanhin at nagbabalak na umalis sa lugar na iyon dahil baka gumawa pa ako ng eskandalo.

“Kath?” Mahina naman niyang sambit. Nagitla ako ng kunti ng marinig iyon. OMG. Nakilala niya ako.

“AH? No.”  Agad kong deny sabay alis pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Buti na lang sa section kong saan ako nagpunta ay ang section na wala halos tao.

“Kath, si Albie to. Don’t worry. Everything will be fine.”

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon