✪ Ch. 2

1.3K 12 5
                                    

Ryne's POV

“Ryne, bilisan mo namang kumilos diyan oh‼ Andito na sila.” Sigaw sa akin ni Tita.

Sa totoo lang after tumawag ni Mama ay bigla na lang may bumusina sa harapan ng bahay namin. Nagulat nga ako kasi kakasabi lang ni Mama na papunta na rito ang assistant manager nito ate para sunduin ako ay hindi ko namamalayang andiyan na sila.

Kaya agad akong umakyat at hindi muna nagpakita. May tatlong rason ako kung bakit ko ginawa ‘yon. Una dahil hindi pa ako nakakaimpake. Pangalawa ay nag-aalangan akong magpanggap, papaano kasi kong hindi epektib edi nganga konte ako. At lastly dahil nakapambahay ako na parang isang gusgusing batang namamalimos sa may overpass.

Pero iyong pangalawa ang dahilan ng sobrang tagal ko. Halos tatlong oras na akong narito sa kwarto. Lagi kong sinasabi na nag-aayos pa ako ng gamit.

Takot kasi ako. Ni hindi ko pa nga sinabi kay mama kung papayag ba ako o hindi sa pagpapanggap. Pero heto, naipit agad ako sa sobrang bilis ng pangyayari.

“Ano ba Ryne‼ Kanina pa sila nasa salas hinihintay ka. Mahiya ka naman.” Biglang pasok at sigaw sa akin ni Tita. Napasimangot ako.

“Tita, aray. Masakit po tiyan ko pakiramdam ko may LBM ako. HUHUHU‼”Pag-iinarte ko. Kung tunay nga akong kalahi ni Ate Kath at kung isa nga akong born to be an artist na bata ngayon, magagamit ko ang mga iyon.

“Ah? Masakit ang tiyan mo. Nako.” Bigla namang nagpanic si Tita na parang naniniwala sa sinasabi ko.

Lumapit siya sa akin na parang concerned. Ayos to.

“Op--aray‼”

“Hoy Katheerine. Tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte mo. Hindi ka pa nga artista ganyan ka na. Halla, baba‼”

Akala ko epektib. Tsk. Nabatukan tuloy ako.

Kung ikukumpara ko si Tita sa pagiging masungit at sadista niya, siguro para siyang ipis. Wala pa lang ginagawa eh, napapahiyaw at napapatiklop na ako sa takot. Ganoon siya katindi. Kaya sumama na lang ako pababa mula sa aking kwarto para harapin iyong mga sumusundo sa akin.

Nang marinig ko ang isang hiyaw ng isang bakla.

“OMG‼ Kamukhang kamukha mo nga siya.” Bati niya sa akin. Weird ang baklang ito. Pero hindi mo pa rin siya masasabing bakla dahil kung magbihis ay napakadesente. Siguro pogay na lang ang pwede kong idescribe sa kanya. Gwapo kasi siya, sayang bakla nga lang. Tinignan ko siyang mabuti. May twang ang pananalita niya. Para siyang kiti-kiti din kong kumilos. Pero hindi mo maiisip na bading siya.


“Hello po.” Bati ko sa mga limang kataong naroon. Nako, kahiya. Ang dami pala nilang naghihintay  sa akin.

“Sorry po at ngayon lang ako nakakababa. Ah kasi.. hindi ko pa kasi sure kung sasama po ako at kung kaya ko po ba iyong hamon na binigay saakin.” Prangka kong saad habang humihingi ng paumanhin sa kanila.

“Nako dear, don’t worry. Kami bahala sa’yo. At take note, hindi ka na mahihirapan. Kamukhang kamukha mo kaya ang ate mo. Medyo ayusan ka lang namin. Bonggabels na. Ah. Kami pala ang team kathryn. Ito ang dalawang stylist mo, si Rainy para sa iyong wardrobe. Si Lala naman sa makeup mo.” Pagpapakilala niya sa dalawang taong biglang tumayo at nakipagkamay sa akin.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon