✪ Ch. 17

418 5 0
                                    

CHAPTER 17

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame. Binalot na ng dilim ang buong paligid. Kinain na ng katahimikan. Ngunit akl andito sa aking kama dilat pa rin ang mga mata at di makatulog. 

Paikot-ikot ako sa aking higaan umaasa na may nahuli akong tupa para makahiling na patulugin na ako. 

Kinuha ko ang aking cellphone saka tumingin sa oras.

Alas onse na pala ng gabi. Tatlong minuto na lang mag-aalas dose na. 

Ano ba kasi nakain ko't di na naman ako makatulog? 

Makatayo na nga't makapunta sa kusina para uminom ng gatas . 

Pero paghakbang ko lang sa hagdanan nakita ko ng bukas ang ilaw sa salas. 

Mas lalo akong lumapit. At doon ko nakita si DJ. Nakasalampak sa sahig. Nakasandal sa sofa. Habang pinagmamasdan ang larawan nh ate ko. Malungkot. Nasasaktan. Hinahanap siya. 

Humakbang ako. Tahimik. Ngunit kahit hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha ay nakikita ko kung gaano niya kamiss ang ate ko. 

Kaya't tuluyan na kong bumaba at tumunggo sa kusina. Kumuha ng dalawang mug at saka nilagyan ng gatas. 

Matapos magtimpla ay pumunta ako sa kanya. Inabot ko ang tasa na may lang gatas. Napa-angat siya ng tingin.

"Ano yan?" Masungit ngunit mahina niyang pahayag.

"Pinagtimpla kita ng gatas. Inisip kong hindi ka makatulog." 

Tinitigan niya ang inabot kong mug saka kinuha. Napangiti naman ako dahil kinuha niya ang alok ko. 

"Pwede.. Ba akong tumabi sayo?"

Tinuro ko ang lugar kong saan siya nakaupo. Napatingin naman siya sa akin at tumanggo. 

"Okay." 

Agad akong lumapit sa kanya. Tahimik lang akong humigop habang pinapakiramdam itong katabi ko. 

Hanggang sa nanatali kaming tahimik  walang umiimik. Doon ako nagtangkang tumingin sa kanya. 

Hawak pa rin ang litrato ng ate ko. 

Nalungkot ako sa hindi maintindihang dahilan. 

Mahirap talagang pagmasdan ang taong mahal mo na nasasaktan sa taong mahal niya. Parang sinusunog ang  kaluluwa mo gamit ang Ethyl alcohol. 

"Alam mo namimiss ko na ang ate ko. Sana magising na siya." 

Bigla akong nagsalita. Para hindi ako magmukhang hangin na nasa tabi niya. 

"Miss na miss mo na talaga siya no?" Tanong ko ulit. Hindi siya agad sumagot. Binaba niya iyong litrato at saka hinigop iyong binigay kong gatas.  

Bumuntong hininga siya. 

"Hindi ka makatulog?" Bigla niyang tanong sa akin. 

Nagulat naman ako at di nakasagot. Sinubukan ko pang ikalma ang sarili ko. 

"Hindi. Ayaw pumikit ng mga mata ko." 

Hindi na siya nagsalita pa. 

"Ikaw?" Ako naman ang nagtanong. 

"Namimiss ko siya." Napatanggo na lang ako sa sinabi niya. 

At hindi ko namamalayang napaluha ako bigla. Buti hindi niya ito nakita. 

"Namimiss ko rin nng ate ko. Ipagdasal na lang natin ang mabilis niyang paggaling para makauwi na siya." Pagtitibay ko sa kanya. Napatingin siya bigla sa akin. Hindi ko inaasahang nagtama ang mga mata namin.

"Paano ka na kung nagising siya?"

Tanong niya sa akin.

"Ano ka ba? Eh di balik sa dati." Ngumiti ako. Plastic na ngiti. Nakakainis. Bakit ako nasasaktan? Tapos na ito ha. 

"Ayaw mo bang mag-try na sumubok sa pagiging singer? Magaling kang kumanta." 

"Di ba sinagot ko na iyan noon. Ayaw ko  dahil pag sumubok ako marami ang malilito kong sino ang Kathryn sa aming dalawa ni ate. Tyaka okay na ako sa normal na buhay. Ayoko ng guluhin. Masaya naman na ako kasi natry ko ng maging parte ng pamilya na to." Bumuntong hininga ako. 

"Minsan mas okay na rin iyong minsan kang tiningala at least natry mo at nalaman mo kong ano ang tama at ano ang mali sa mga kinikilos mo." Dagdag ko. 

Namalayan kong nakatitig lang sa akin si DJ. 

"Ba..bakit? May mali ba sa sinabi ko?" 

Napangiti siya. 

"Wala. Masyado ka kasing madrama ngayon. Pwede ka na talagang maging artista." Pagbibiro niya. I fake my laugh. I pretend that I am okay. Hindi pa pala tapos itong nararamdaman ko kay DJ. Masakit pa rin. Mahal ko pa rin siya. 

"Ikaw kaya madrama diyan! Nako dapat mas lalo kabg matibay para kapag nagising si ate gwapo ka pa rin." 

Tumawa siya.

"Gwapo pa talaga ako. Hindi masisira ng lungkot ang appeal ko." 

Natawa na lang ako sa sinasabi niya. 

"Oh siya. Umeepekto na iyong gatas. Aakyat na ako para matulog. Ikaw matulog ka na rin. Night." Nagpaalam na ako't tumayo. Hindi na ako naghintay ng reaksyon niya hanggang sa tinawag niya ako. 

"Katheerine!" Napalingon ako.

"Masarap iyong timpla mo." Sabay taas ng mug na binigay ko sa kanya walang laman. Nakangiti din siya na may gatas pa sa gilid ng labi. 

Pumeke ako ng ngiti. Umaasang hindi tutulo iyong luha sa aking mata. 

"Salamat. Tulog ka na." 

Dali-dali akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. Doon ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko pa lang kanina. Dapat masaya pa nga ako kasi nagustuhan niya iyong timpla ko. Pero sa sulok ng isipan ko hinding hindi niya ako magugustuhan. 

"Sorry DJ. Pero sa tingin ko mahal na mahal na kita." At halos piniga ang puso ko sa sakit. Napahagulhol ako ng wala sa oras.

---------

Short update! Dedicated ito kay fangiirlingpotato dahil nainspire ako sa kanyang pagsusulat ng fanfic. Lalo na iyong story niyang HEARTBREAK GIRL na tinututukan ko hanggang ngayon! Annyeong po sa inyo! :)) 

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon