✪ Ch. 5

703 9 0
                                        

Chapter Five

 

Mahimbing ang tulog ko ng mga oras na iyon pero dahil sa katangahan nabagsak ang namamahinga kong katawan sa sahig. Doon ko narealize na umaga na pala, kailangan ng bumangon. Kailangan ko nang tulungan si Tita. Pero pagmulat ko ng aking mata nagulat na lang ako sa aking nakikita.

“Goodmorning Kath.”

“Napagod ka yata talaga sa mallshow niyo. Asaan na ba si DJ?”

“Gutom na ako.”


Mga lalaking hindi ko mapagtanto na makikita ng aking mga inosenteng mata. Totoo ba ito? Masampal ko nga ang sarili ko.

*Pak*

Aray. Masakit. Ibig sabihin totoo nga. Agad akong nagpanic. Tumayo ako na hindi nagsasalita at niyakap ang sarili bakit nga ba ako narito?

“Ano problema Kath?” At bakit iyon ang tawag nila sa akin.K atheerine Bernardo ang pangalan ko, Ryne ang palayaw ko, kaya bakit Kath ang tawag nila sa akin.

Mas lalo akong kinabahan.

Namutla ako at huminga ng sunod sunod. Hanggang sa nagawi ang aking mata sa isang nilalang na iniluwa ng hagdan.

Si..

Si…

Gusto kong mahimatay.


SI DANIEL PADILLA.

Na-istatwa ang aking buong katawan na parang binuhusan ako ng aspalto at tumigas. Ngunit hindi ang puso ko. Kumabog kabog ito hanggang sa bigla kong naalala ang lahat dahil lumitaw na rin ang isang lalaking bakla.

“Oy Kath. What are you doing there? Lika na kain na tayo.”

At hindi pala panaginip ang lahat. Totoo palang nag mallshow ako kagabi. Totoo palang nasa poder ako ngayon ng mga sikat. Totoo palang nagpapanggap ako. Masyado yata akong na-insensohan noong bata ako kaya ganito ako kaabnormal.


Kinontrol ko ang sarili ko para hindi maging weird sa mga paningin nila.  Sumalo ako sa munting breakfast in table kasama ang mga naggwagwapuhang nilalang.

Buti na lang ay nabalik ko na ang katinuan ko na sumanib sa aking katawan.

“Dj how was the mall tour?” Tanong ni Seth habang seryosong kumakain.

“Quite fun.” Tahimik na sagot ni DJ. Ganito ba talaga itong si DJ? Balita ko kasi masayahin siya at palaging may spark ang kanyang mata.

“Mukha ngang nagenjoy kayo dahil sobrang pagod pa rin kayo ngayon.” Feedback ni Katsumi na may nakatapal na malaking pancake sa kanyang bunganga. Na naging dahilan ng pagbatok sa kanya ni Lester na nagkalat ang sauce ng pancake sa bibig.

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon