Chapter 3:
Author's Note: Una sa lahat, nais kong pasalamatan si ANAKNGMEANTOBE dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako magkakaroon ng mga facts para sa story ko. Kumbaga siya ang source ng ibang katauhan, description, hilig at ugali ng mga nasa kwentong ito. Aaminin kong hindi ako ganoon ka-fan dati ng P5 at Kathniel kaya matinding research talaga ang nilalaan ko.
SANA AY MAGUSTUHAN NINYO.
*~*~*~
“Eto si Seth, si Lester, si Katsumi, at si JC. Usually, tatlo lang ang nasa boarding house ngayon. Kasi si JC abala ngayon sa kanyang project.” Pagtuturo sa akin ni Dipsy.
Kasalukuyan kaming nasa van ngayon pauwi sa sinasabing boarding house ni Dipsy. Doon daw kami titira muna pansamantala. At syempre kasama roon si DJ na kasalukuyan ding nagmamaneho ng van na sinasakyan namin.
“Si Seth choosy ‘yan ng kinakausap. Lagi siyang tahimik sa mga taong di niya kilala,pero ang totoo mahiyain lang siya. Kaya lang huwag mo siyan iinisin. Madali siyang mainis eh. Lead guitarist siya ng P5.” Turo sa akin ni Dipsy sa medyo mahaba at rockers na lalaki. Ngunit cute rin naman ito, at maputi.
“Tapos ito naman si Lester. Ang sakit ng ulo ng grupo. Sumasakit ang ulo namin diyan dahil napakakulit. He’s the craziest person in P5. Pero kwela din siya. Huwag mo nga lang silang pagsasamahin ni Katsumi dahil baka masira ang mundo mo. Drummer siya.” Halos magwala ang puso ko nang tinuro ni Dipsy si Lester. Ang gwapo kasi. Tapos sa lahat ng members ng P5 na nasa picture bukod kay DJ siya ang kumuha ng pansin ko.
“Naaamaze ka no?” Biglang hirit pa sa akin ni Dipsy na nakita yata ang sparkling thingy sa aking mata.
“Medyo.” Pakiwari ko. Tumuloy na kami sa diskusyon, ngunit bago ako nakinig sumulyap muna ako sa driver’s seat kung asaan si DJ. At seryoso lang itong nagmamaneho.
“Next naman si Katsumi. Ang napakabaliw ding tao sa P5. Sa una, tahimik lang ‘yan pero mamaya babanat iyan at humanda ka sa pasada niya dahil sasakit talaga ang tiyan mo. Rhythm guitarist.” Sabay turo sa isang lalaking may malaking salamin. Medyo may looks din.
“At lastly si JC. Half-brother ni DJ. Tahimik, seryoso pero makakasama mo parin sa kalokohan. Siya ang pinakakuya sa lahat.” Napatingin ako bigla kay DJ ulit ng malaman kong half brother niya si JC. Nakafocus pa rin ito sa daan ngunit halata sa mukha nito ang pagiging seryoso na masyado.
Tinignan ko ulit iyong picture nila, masasayang mga tao ang gumuhit sa larawan. Mga ngiting hindi mapapalitan nino man. Kitang kita ang pagtrato nila na kahit hindi man sila magkakadugo ay makikita mo namang nagmamahalan sila hindi lamang parang kaibigan, kundi parang kapatid.
“Lagi mong tatandaan Ryne na dapat familiar ka na sa kanila unang pagtapak mo palang mamaya sa borading house para hindi nila mahalatang hindi ikaw si Kath. Dahil super close si Kath sa kanila kaya alam nila kung anong meron kay Kath na pwede nilang mapansin na wala sa’yo.”
Tumango lamang ako sa sinabi ni Dipsy. Kahit na ramdam ko sa sarili ko ang kaba dahil sa gagawin kong pagpapangap ngayon tinatagan ko pa rin ang aking sarili. Determinasyon. Ginagawa ko ito para sa ate ko!
"Aja!"
Nakarating na kami sa sinasabing Boarding house na pagtutuluyan namin. Napansin ko kasing bumagal na ang takbo ng sasakyan at pumasok na kami sa isang subdivision hindi kalayuan mula sa istasyon ng ABS. Mga ilang minuto lang makakarating ka na rito.
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
HumorRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...
