✪ Ch. 23

558 3 3
                                    

 

“May pupuntahan ka ba ngayon?” Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang tinig na iyon. Papunta sana ako sa kusina para kumuha ng makakain dahil naboboring na ako sa taas. Balak ko din sanang manood ng movie ngayon, pero tila mauudlot lahat ng balak ko dahil sa bigla kong nakita.

Si DJ. Komportableng nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin.

“Wala.” Maiksi kong sagot. Clueless.

“Magbihis ka. May pupuntahan tayo.”

Napatingin lang ako sa kanya, actually napatitig. Anong sinasabi niya?

Hindi ako kumilos hanggang sa nainis na siya.

“Gagawin mo ba ang sinabi ko, o ako ang mismong gagawa non.” Bigla akong napabilog ang mata sa sinabi niya. Anong trip ng lalaking ito? Bakit ang yabang, authoritarian at manyakis niya ngayon? Ugh.

“Anong sinasabi mo? At saan naman tayo pupunta?” Pagtatanong ko. Nainis siya. Nakita ko iyon sa expresyon niya.

“Anong karapatan mong magtanong sa poging katulad ko? Bakit hindi mo na lang gawin ang inutos ko.” Napatayo na siya sa inis, pero kalmado pa rin ang kanyang boses. Husky pa nga ito eh. Ang swabe, nakakakilig. Pero kailangan kong magpakipot para hindi naman ako easy to get.

“Una sa lahat, oo gwapo ka. Kailangang iemphsize sa hindi naman related na usapan? Tapos bakit ako sasama sayo? Sabi ng mama ko, huwag sumama sa hindi naman kilala.” Depensa ko. Mas lalong kumunot ang noo niya kaya lumapit na siya sa akin.

“Ayaw mo talagang gawin ang sinasabi ko,” lumapit siya at tinangkang hawakan ang magkabilang braso ko. Pumalag naman ako. Dumepensa.

“Huwag kang lumapit sa akin!” Pero pinilit niya ang gusto niya kaya nahaharutan na kami that time.

“Oo na! Magbibihis na!! Badtrip to, kailangang sapilitan?” Inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. A little awkwardness din ang naramdaman namin sa isa’t isa kaya nagtinginan kami. Pero ako na rin ang sumira ng kilig. Ayokong maexpose ang sarili ko.

“Huwag ka ng maligo para mabilis na.” Utos niya.

Tumalikod na ako’t umakyat papunta sa kwarto. Dumiretso agad ako sa cabinet. Binuksan at naghanap ng magandang damit.

Pero napatigil ako. Napangiti. Shet. Niyaya ako ni Daniel Padilla na lumabas. Hindi first time pero, ugh, kinikilig ako pramis. Sana huwag ng magwakas ang istoryang ito. Ayokong dumating iyong panahong tapos na ang lahat ng ilusyon ko. Dahil baka tumalon na lang ako sa ilog pasig.

Dahil wala namang akong clue kong saan kami pupunta kaya ang pinili ko na lamang na damit eh iyong simple. Isang pink na top then skater palda na puti. Then I will partner it with a hidden heels shoe. Natutunan ko na rin sa wakas ang pomorma. Salamat sa wardrobe designer ko. Dahil sa kanya nakakuha ako ng ibang tips sa pagmimix ng mga colors sa damit para maayos pa ring tignan.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon