Halos nabasag ang puso ko sa aking nakita. Tinanong niya kong sino ako. At halos masemento na ako at pwede ng palitan si Rizal sa Luneta dahil halos hindi na ako makagalaw. Anong nangyayari? Bakit, bakit tinanong niya kong sino ako.
“Anak, siya ang kapatid mo. Nakakabatang kapatid. Si Ryne.” Paliwanag sa kanya ni Mama. Pero inosente lamang nakatingin si Ate sa kanya, walang kaide-ideya.
“Kapatid ko siya?” Sabay tingin sa akin.
Namuo ang ilang minutong katahimikan hanggang sa ngumiti siya sa akin. Iyong ngiting totoo, parang may natuklasan bago.
“Hello.” She greeted me. Na naging dahilan ng pagkabasag ng husto ng aking damdamin. Naguguluhan na ako.
“Ma,” I can’t say any word. Hanggang sa binitawan ni Mama ang pagkakahawak niya sa ate ko. At saka lumapit siya sa akin.
“Ryne..” Hinaplos niya muna ang aking mukha na naging dahilan ng pananabik ko. Na mimiss ko na ang hawak ng aking ina.
“Ma, ano po bang nangyayari?” Tanong ko.
“Anak, Ryne. Makinig ka ng mabuti. Ang ate mo, noong naaksidente siya sa Amerika. Sabi ng doctor, hindi agad siya magigising. Which means, nacomatose siya. Hinintay natin siyang magising. Alam mo naman iyon anak di ba? And last week, nakita ko na lamang na gising na siya. But the worst of this nightmare is, wala siyang naaalala ni isa. Sabi ng doctor, temporary memory loss daw ito. Hindi niya maaalala ang mga taong naging parte ng buhay niya. Kaya tumawag agad ako kay DJ noon. Hindi ko agad nasabi sayo anak dahil alam kong mas masasaktan ka sa malalaman mo. Una kong pinaalala sa kanya ang mga basic. Sabi ng doctor, babalik din naman daw ang alaala niya. Tatagal ito ng month. Kaya naman pagtutulungan nating bumalik iyon.”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Blanko ang isipan ko dahil sa pagkagulat. Wala ni isang naaalala si Ate. Tumingin ako sa kanya. Inosente pa rin siyang tignan. Parang isang batang bagong mulat lamang sa mundo. Walang kakilala at tanging tiwala lamang ang instrumento niya para mabuhay. Tiwalang ibibigay niya sa mga taong nasa paligid niya.
Nakita ko din si DJ. Nakatingin sa akin. Kung mahirap para sa akin ang nangyari, alam kong mas mahirap sa kanya. Mahal na mahal niya ang ate ko. Kaya’t parang isang bangungot ang nangyayari sa kanya ngayon.
“Anak.” Bigkas ulit ni Mama.
“Ma,” Tumingin ako sa kanya. Bumuntong hininga. Hinawakan ang kanyang mga kamay.
“Kung may maitutulong po ako, sabihan niyo lang po ako. Handa kong gawin ang lahat para sa ate ko at para sa inyo.” Ngunit imbis na pabor ang hingin ni Mama ay yakap ang aking natanggap. Doon hindi ko napigilang hindi mapaiyak. This is the first time I hug my mother. It feel like all of the pain was covered because of this thing.
“Salamat Ryne. I owe you everything anak. I’ll promise, hindi ko na kayo ipaghihiwa--”
Kumalas ako sa yakap. Seryosong tumingin sa kanya. Nahinto siya at nagtaka sa ginawa ko.
“But I have one wish Ma.” Sinabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Superstar ✪
ComédieRyne Bernardo is a secret sister of Kathryn Bernardo, a famous celebrity. She lived in a simple community and no one knows that she is a celebrity sister. Until one day, she needs to pretend as her ate just to fill the controversy that happened. How...