✪ Ch. 11

725 7 1
                                        

CHAPTER ELEVEN

NAPASUBSOB ako habang paakyat sa van. Pinagtawanan naman ako ni DJ hindi ko na siya papansinin dahil nakakasira ang poise kapag pinatulan ko pa siya, kaya’t tumalon na lamang ako papunta sa upuan para makapagpahinga.

“Usog..” Hila niya pa sa paa ko dahil halos lamunin na ng katawan ko ang isang linyang upuan sa van. Pero hindi ko siya pinansin mas binuka ko pa nga ang aking legs para unstoppable ang dating.

Narinig ko siyang nainis kaya doon na siya sa likuran sumakay.

“Badtrip.” He uttured. Napangiti na lamang ako habang nakapikit. Have a merry night sleep itey.

“Nga pala guys, sa hotel tayo tutunggo ngayon. Bukas ang flight natin kaya need natin doon magstay.”

At out of nowhere kong nahugot ang energy ko at napatayo ako sa sinabi niya.

“ANO?”

Makapagbagbag damdamin kong sigaw. Minura ako ni DJ dahil ang ingay ko raw pero hindi ko parin siya pinansin.

“Yes Ryne, we need to proceed there. Kung hindi dito tayo sa van matutulog, ayaw niyo naman siguro na matulog ng hindi kayo komportable diba?” Tanong niya habang busy na nakatingin sa daan. Medyo pazigzag kasi iyong kalsada na napuntahan namin.

“Ako sanay na ako, ewan ko lang dito sa maarteng babaeng ito.” Side comment ni DJ. I glared to him and give him the most killing look that I’ve possessed.

“Ang pangit mo.” Comment niya.

“Shout up. Pagod ako.”

“K.”

Hindi ko na siya pinansin afterwards, nakakulikip na lamang ako habang binabagtas namin ang daan. And without knowing na ako’y nakatulog na ng mga panahon na iyon. Half sleep iyon ang tawag nila sa hindi pa masyadong mahimbing na tulog. Iyong isang yugyog lang ng sasakyan ay magigising na.

Huminto ang sasakyan kaya nagising ako sa tulog ko. Pero tinamad akong idilat ang aking mga mata’t bumangon.

I heard them talking.

“Andito na tayo..”

“Hindi kaya nakakatakot itong place? Malayo ‘to sa bayan.”

“Okay lang iyan, ito lang ang available ngayon na motel.”

Motel? Seriously? Naubusan ba ng budget itong si Dipsy at dinala na lang kami sa isang motel?

“Safe ba diyan?”

“Oo naman. Walang makakakita.”

At bakit pakiramdam ko binubugaw ako ni Dipsy. Utak green.

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon